Balita

Pinoy chess wiz, lider sa ASEAN tilt

-

GINAPI ni Al-Basher Buto ng Team Philippine­s si top seed Pham Viet Thien Phuoc ng Vietnam para makamit ang solong pangunguna sa Open Under-8 division, habang nagpakatat­ag sina Internatio­nal Master Paulo Bersamina at Woman FIDE Master Shania Mae Mendoza sa Premier U20 class nitong Miyerkules sa ASEAN+ Age Group Championsh­ips sa Royal Mandaya Hotel sa Davao City.

Walang gurlis ang 7-anyos na si Buto, kampeon sa rapid at blitz event ng under-7 13th Asian Schools Chess Championsh­ip sa Panjin, China, kamakailan, matapos ag apat na round. Nauna niyang naungusan sina Vietnamese Ho Dang Nhat Min h at Nguyen Manh Duc, kababayang si Ruslan Pamplona at si Pham, nagtatagla­y ng pinakamata­as na rating sa kanilang dibisyon na 1420.

Kumpiyansa si Buto, natuto ng chess sa pakikisala­muha sa mga vendor sa Quiapo, sa laban kontra Vietnam bet Nguyen Vuong Tung Lam para mapatatag ang kampanya sa prestihiyo­song torneo.

Hindi naman nagpahuli ang 19-anyos na si Mendoza, nagwagi sa kapwa Pinay na si Ella Grace Moulic para sa ikaapat na puntos at makaabante sa karibal na sina Moulic at WFM Dita Karenza ng Indonesia.

Target ni Mendoza na masungkit ang titulo sa torneo na inorganisa ng Chess Events Internatio­nal, at sanctioned ng NCFP, sa pakikipagt­ulungan ng Philippine Sports Commission at Davao City Mayor Inday Sara Duterte, bago ang kanyang pagsalang sa training camp ng Philippine Team na maghahanda para sa pagsabak sa World Chess Olympiad sa September sa Batumi, Georgia.

Nagwagi si Bersamina kay FM Agni Jeevitesh Sai ng India para manatili sa ibbaw kasama si FM Azarya Jodi Setyaki ng Indonesia, nagwagi kay Filipino Rhenzi Kyle Sevillano, taglay ang 3.5 puntos.

Naghati naman sa puntos sina Dale Bernardo at Istraelito Rilloraza para magsosyo sa three-way logjam kasama si local bet Carl Zirex Sato, nagwagi kay Vietnam’s Nguyen Tien Anh, taglay ang 3.5 puntos sa Open U18.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines