Balita

Bolts vs Katropa sa PBA

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum) 4:30 n.h. -- Globalport vs Columbian Dyip 7:00 n.g. -- TNT Katropa vs Meralco

PALAKASIN ang tsansa sa top two ang tatangkain ng Meralco sa pagsagupa nila sa bumubuluso­k na TNT Katropa sa tampok na laro ngayong gabi ng 2018 PBA Commission­ers Cup sa Araneta Coliseum.

Sisikaping kumalas ng Bolts mula sa pagkakatab­la sa second spot ng Alaska Aces hawak ang barahang 7-2 sa pagtutuos nila ng Katropa na hangad namang makaahon sa kinasadlak­ang tatlong dikit na pagkatalo ganap na 7:00 ng gabi.

Mauuna rito, magtutuos sa pambungad na laro ang Globalport at Columbian Dyip ganap na 4:30 ng hapon.

Huling tinalo ng Bolts ang kasalukuya­ng katablang Aces nitong nakaraang Linggo sa iskor na 8974 habang nalasap ng Katropa ang ikatlong sunod na pagkabigo sa kamay ng defending champion San Miguel Beer nitong Sabado, 94-99 sa MOA Arena na nagbaba sa kanila sa ikatlong puwesto taglay ang markang 6-3.

Umaasa si Meralco coach Norman Black na aminadong pagtutuuna­n na nila ng pansin ang no. 2 spot para sa bentaheng twice to beat sa playoffs sa patuloy na magandang depensa at team effort na ipapakita ng Bolts.

Para sa Katropa, bagamat nawala na ang tsansang tumapos sa top two spots, nais nilang makabalik sa winning track upang muling tumaas ang morale papasok sa playoffs.

Sa unang laro, parehas namang maghahanga­d na makabawi sa natamo nilang pagkabigo noong Miyerkules ang Batang Pier (4-5) at Columbian Dyip (4-6) para sa target na makapasok sa lower four ng top 8 teams na uusad sa quarters.

Natalo kapwa sa dalawang high scoring games ang dalawang koponan sa nakaraan nilang laban, ang Batang Pier sa kamay ng Phoenix, 108-135 at ang Dyip sa kamay ng Barangay Ginebra, 107-134.

Kung gaano kaigting ang labanan sa No. 2 spot, ganundin din ang puwestuhan sa huling apat na slots kung saan magkakadik­it ang mga teams sa standings.

Pagkatapos ng unang apat, Rain or Shine (8-1), Meralco (7-2), Alaska(7-2) at TNT Katropa(6-3), magkakalap­it na ang mga sumusunod sa kanilang koponan na San Miguel (4-4), Ginebra, Globalport at Magnolia na patas sa 4-5 at ang Phoenix at Columbian Dyip na tabla sa 4-6 kaya naman tiyak na dikdikan ang labanan sa nalalabing playdates ng eliminatio­ns upang makaiwas na makasama sa mga naunang nang nasibak na Blackwater (1-9) at NLEX (2-7).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines