Balita

Robin, magreretir­o na?

- Ni REGGEE BONOAN Betchay Vidanes).”

AMINADO si Robin Padilla na sumusunod lang siya sa utos ng direktor ng Sana Dalawa Ang Puso kaya niya pinagupita­n ang buhok niya. Kung siya kasi ang masusunod ay gusto niyang mahaba ang kanyang buhok at may bigote pa.

“Gusto ko kasi pagtanda ko, mahaba ang buhok ko, mahaba ang bigote ko. Ganu’n ang arrive na gusto ko,” ani Binoe.

“Kapag ginugupita­n ako at inaahitan ako, para akong hinuhubara­n at nanghihina. Totoo naman ‘yun. Eh, okay lang manghina, ‘wag lang manghina sa chicks, baka magalit naman si Mariel ( RodriguezP­adilla) ha, ha, ha,” birong sabi ng aktor sa panayam sa kanya ng media kamakailan.

Speaking of Mariel, suportado ni Robin ang pagbabalik-telebisyon ng asawa, dahil nakikita raw niyang masaya ang kanyang misis sa ginagawa nito.

“Kung saan masaya ‘yung asawa ko, masaya rin ako. Eh, nung siya’y nalungkot parang milagro nga ‘yang ( It’s) Showtime. Pero ‘wag nang magdagdag pa, ‘yun na lang, at saka ‘yung isa, Pinoy Big Brother. Basta hosting lang, okay ‘yun.

“Ang ayaw ko ay ‘yung mag-aartista pa siya. Kasi hahanapin siya ng anak namin. Masyadong malapit kay Mariel si Isabella; malingat lang nang konti (na wala ang ina), nalulungko­t ‘yung bata,” paliwanag ni Robin. “Meron nga akong video na kumakatok ‘yung anak namin sa pintuan, akala niya natutulog lang siya (Mariel). ‘Yung sa hosting walang limitasyon, sa pagaartist­a marami.”

Samantala, pagkatapos magdiwang ni Robin ng Father’s Day kasama ang anak nilang si Isabella ay may hiwalay silang celebratio­n ni Mariel kinagabiha­n.

“Ni- rape ako ng asawa ko,” biro ni Robin tungkol kay Mariel, na ngayong sexy na uli ay inilarawan niyang “juicy” at “very elegant”.

“Siyempre Father’s Day, eh. Siya ang gumastos (lahat), pinamasahe niya ako, pinalakas muna niya ako. Tapos pinakain ako kaya mas lalo niya akong pinalakas, tapos hayun, happy Father’s Day na,” dagdag kuwento pa ni Robin habang pilyo ang ngiti.

Sa tanong kung may plano na silang sundan si Isabella ay mabilis ang sagot ni Binoe.

“Ay, hindi, ‘wag, ‘wag muna. Kawawa naman ‘yung asawa ko, kasi hindi madali ‘yung dinaanan niyang pagbubunti­s, dalawang taon ‘yun. Isang taon na pag-iiniksiyon ng kung anu-ano tapos nanganak siya. Nag-breastfeed­ing siya tapos natakot ako kasi ang laki-laki (mataba) na niya, baka magkasakit siya sa puso,” seryosong sabi ng aktor. Papayagan ba niyang mag-artista si Isabella? “Hindi, farmer ‘yun!” sabi kaagad ni Robin. Gayunman, plano ni Robin na magpahinga sa showniz kapag nagtuluy-tuloy na si Mariel sa hosting job nito. Hindi raw kasi pupuwedeng walang naiiwan sa bahay para kay Isabella.

“Siyempre sa ngayon napagtatak­pan pa ni Mommy April (yaya ng bata), Lolo at Lola, pero ‘ pag nagtagal, maghahanap na. Kaya ako na muna siguro ang mag- stay, tutal naman gusto ko na ring magpahinga,” sabi pa ni Robin. “Sana payagan ako ng manager ko (

 ??  ??
 ??  ?? Robin at Mariel
Robin at Mariel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines