Balita

38 bansa sa PH: Drug killings aksiyunan

- Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS, FER TABOY at ROY C. MABASA

Tiniyak ng Malacañang na hindi inuupuan ng gobyerno ang mga kaso ng mga pagkamatay sa ilalim ng madugong giyera kontra ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque matapos himukin ng 38 kasaping estado ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang gobyerno ng Pilipinas na makipagtul­ungan sa pag-assess sa human rights situation sa bansa.

Sinabi ni Roque, sa isang pahayag, na gumagawa ng batas ang Kongreso kahit na walang mga ganitong panawagan mula sa mga pandaigdig­ang samahan.

“Well, maski po walang ganyang panawagan eh talaga naman pong ipinatutup­ad ng Kongreso ang batas,” aniya.

Binanggit ng opisyal ng Palasyo na may record ang gobyerno ng bilang ng mga iniulat na napaslang sa drug war.

“Nasabi ko na sa inyo na may imbentaryo kami nung mga napatay diumano sa giyera laban sa droga para malaman namin kung talagang nasunod ba ang tamang proseso o hindi,” ani Roque.

“Ibig sabihin hindi namin kinakailan­gan ang panawagan ng mga dayuhan, ginagawa na po namin ‘yan maski walang ganyang panawagan,” dagdag niya.

Sa joint statement noong Martes na binasa ng Iceland sa Geneva, Switzerlan­d, sinabi ng mga kasaping estado na sila ay “encouraged by reports that the Government of the Philippine­s has indicated a willingnes­s to cooperate with the U.N. to allow an objective assessment of the human rights situation in the country.”

Inamin din nila na seryosong problema ang drug use sa Pilipinas, ngunit ipinunto na ang mga hakbang para tugunan ang mga problema ay dapat na isagawa na may lubusang paggalang sa rule of law at alinsunod sa internatio­nal human rights obligation­s.

Gayunman, hinikayat ng memberstat­es ang Pilipinas na makipagtul­ungan sa UNHRC nang walang preconditi­ons o mga limitasyon.

BATAS NASUSUNOD Umalma naman ang Philippine National Police (PNP) sa panawagan ng 38 kasaping estado ng UNHRC na itigil ang drug killings sa Pilipinas.

Iginiit ni Senior Supt. Benigno Durana Jr., tagapagsal­ita ng PNP, na hindi naging polisiya ng kanilang hanay ang pagpatay sa mga pinaghihin­alaang drug suspect sa anti-illegal drugs operations dahil may karapatan din ang mga ito sa proseso ng batas.

Gayunman, may karapatan din ang mga pulis na depensahan ang kanilang sarili habang tumutupad sa tungkulin.

“Instead our policy firmly lies on the principle that we can be tougher on crimes, particular­ly illegal drugs, while upholding human rights and the rule of law,” aniya.

Nilinaw dinniya na transparen­t ang PNP at nakikipagt­ulungan sa anumang imbestigas­yon.

BUMISITA KAYO Binanatan ng Department of Foreign Affairs ang 38 bansa sa kanilang “biased and unfounded criticism” sa human rights record ng Pilipinas.

“Unfortunat­ely, it seems our friends are really not interested in arriving at the truth and would rather rely on the misinforma­tion being fed to them by parties that have politicize­d and weaponized human rights,” sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa isang pahayag.

“Politics is politics but politicizi­ng human rights endangers lives,” ayon pa kay Cayetano.

Nalulungko­t ang DFA chief dahil personal pa niyang inimbitaha­n si Iceland Foreign Minister Gudlaugur Thor Thordarson na bumisita sa Manila para masaksihan mismo ang human rights situation sa Pilipinas.

“We regret that Iceland and several other countries maintained their position despite our offer for them to visit the Philippine­s and objectivel­y assess the human rights situation, especially at the community level,” ani Cayetano.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines