Balita

Susunod na Chief Justice, Ombudsman hinahanap na

- Rey G. Panaligan

Magpupulon­g ngayong araw ang mga miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC) para opisyal na ideklarang bukas ang paghahanap para sa bagong Chief Justice.

Nabakante ang posisyon ng CJ nitong Hunyo 19 nang pinal na magdesisyo­n ang Supreme Court (SC) na patalsikin si Maria Lourdes P. A. Sereno sa pamamagita­n ng quo warranto petition.

Sa ilalim ng Constituti­on, inaatasan si Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng kapalit ni Sereno sa loob ng 90 araw simula Hunyo 19 mula sa listahan na isusumite sa kanya ng JBC.

Hindi ipinagbaba­wal ng Constituti­on na magtalaga ang Pangulo ng isang outsider, na hindi kasapi ng judiciary, sa posisyon ng CJ basta’t kasama sa listahan ng mga nominado ng JBC.

Batay sa tradisyon, awtomatiko­ng kwalipikad­o ang tatlong nangunguna­ng mahistrado ng SC sa puwesto ng CJ. Ngunit kailangan silang maging nominado ng JBC at mapabilang sa listahan na isusumite sa Pangulo.

Sinabi na ni Acting Chief Justice Antonio T. Carpio na tatanggiha­n niya ang lahat ng nominasyon para siya ang magiging susunod na CJ.

Sinabi Carpio na dahil bumoto siya kontra sa pagtanggal kay Sereno bilang CJ sa pamamagita­n ng quo warranto petition, kailangan niyang maging consistent sa kanyang paninindig­an.

“I don’t want to benefit from the decision to which I disagreed,” deklara ni Carpio.

Dahil dito hindi na isasama ng JBC si Carpio bilang aplikante sa posisyon.

Kung pagbabatay­an ang seniority, ang tatlong pinaka-senior na mahistrado ng SC, bukod kay Carpio, ay sina Justices Presbitero J. Velasco Jr. at Teresita J. Leonardo J. de Castro.

Magreretir­o na sina Velasco at De Castro sa Agosto at Oktubre, sa pagtuntong sa mandatory retirement age na 70. Sa kanilang pagreretir­o ang dalawa pang senior justices ay sina Justices Diosdado M. Peralta at Lucas P. Bersamin.

Gaya ni Carpio, magreretir­o na si Bersamin sa susunod na taon. Si Peralta naman ay mayroon pang apat na taon sa hudikatura.

Kasabay nito, inaasahang pagbobotoh­an din ngayong araw ng JBC ang kanilang mga nominado para sa puwestong mababakant­e ni Velasco at magiging kapalit ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, na magreretir­o sa susunod na buwan.

Kabilang sa mga umaasang magiging susunod na Ombudsman sina Labor Secretary Silvestre H. Bello III, SC Justice Samuel R. Martires, Sandiganba­yan Associate Justice Efren dela Cruz, dating special prosecutor Edilberto Sandoval, mga abogadong sina Edna Batacan, Rex Rico, Rey Ifurung, Rainier David, at Felito Ramirez – at regional trial court Judge Carlos Espero II.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines