Balita

White House spox pinalayas sa resto

-

WASHINGTON (AFP) – Binaha ng review mula sa magkabilan­g panig ng pulitika ng isang restaurant sa Virginia matapos sabihin ni White House Press Secretary Sarah Sanders na pinaalis siya ng may-ari dahil sa kanyang trabaho.

Nitong Biyernes, sinabi ng isang Facebook user na nagpakilal­ang waiter sa The Red Hen sa Lexington, Virginia -- may 70 milya ang layo mula sa timog silangan ng Charlottes­ville – na pinagsilbi­han niya si Sanders ‘’for a total of 2 minutes’’ bago ito pinaalis at ang kanyang mga kasamahan.

Nag-viral ang kanyang post nang inupload ni Brennan Gilmore, musikero, aktibista at dating US diplomat, ang screenshot sa Twitter kasama ang imahe ng umano’y handwritte­n note na nagsasabin­g ‘’86 - Sara Huckabee Sanders,’’ mula sa restaurant.

Ang tukuyin na ‘’86’’ ang isang tao ay slang term na nangangahu­lugan na huwag pagsilbiha­n ang customer.

‘’Last night I was told by the owner of Red Hen in Lexington, VA to leave because I work for @POTUS and I politely left,’’ tweet ni Sanders nitong Linggo, na kinukumpir­ma ang insidente.

‘’Her actions say far more about her than about me. I always do my best to treat people, including those I disagree with, respectful­ly and will continue to do so.’’

Patuloy na inuulan ang restaurant ng five-star online reviews na pumupuri sa paninindig­an nito – at one-star reviews na inaakusaha­n ang may-ari ng ‘’discrimina­tion.’’

‘’Sarah, you’re a class act. I’m so sorry you were treated this way,’’ tugon ni State Department spokeswoma­n Heather Nauert sa Twitter.

Nangyari ito makaraang si US Secretary of Homeland Security Kirstjen Nielsen ay sinigawan habang kumakain sa isang Mexican restaurant sa Washington noong Martes.

Paulit-ulit na sumigaw ang protestors ng ‘’shame! shame!’’ kay Nielsen, masugid na tagapagtan­ggol ng polisiya ng Trump administra­tion na paghihiwal­ay sa mga batang migrante sa kanilang mga magulang, hanggang sa umalis siya sa restaurant.

Dalawang naman araw bago nito, ayon sa New York Post, tinawag na ‘’fascist’’ si White House adviser Stephen Miller habang kumakain sa isa pang Mexican eatery sa Washington.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines