Balita

PCOO kumilos laban sa fake news

-

PINANGUNAH­AN

ni Secretary Martin Andanar ng Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) ang paglulunsa­d ng Provincial Communicat­ions Officers Network (PCONet) sa Bohol, nitong Biyernes.

Ayon kay Andanar, layunin ng programang PCONet na matulungan ang pamahalaan sa pagbibigay ng kaalaman sa mga tao upang matukoy at maiwasan ang pagkalat ng fake news at maling impormasyo­n, na nakikitang banta para sa demokrasya at ekonomiya ng bansa.

Aniya, kapag sinubukang ikalat ng isang tao ang tamang impormsyon, isa itong serbisyo ibinibigay para sa lipunan at henerasyon sa hinaharap. “This is important in nation building,” ani Andanar.

Ang paglulunsa­d ay dinaluhan ng mga public informatio­n officer mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan, mga ahensiya sa rehiyon, akademya, sektor ng kabataan at mga mamamahaya­g sa Cebu at Bohol.

Sa paglulunsa­d ng programa, binanggit ni Andanar ang mga nagawa ng administra­syon kabilang ang halos dumobleng numero ng pagtaas ng foreign direct investment­s at ang malaking pagbaba ng mga kaso ng krimen, na nagbibigay sa bansa ng mas magandang imahe para sa pamumuhuna­n.

Ayon kay Andanar, umabot na sa $10 billion ang pamumuhuna­n sa bansa sa pagtatapos ng 2017 kumpara sa $5.6 billion noong 2015.

Katuwang ang PCOO-attached agencies kabilang ang Philippine Informatio­n Agency (PIA), Philippine News Agency (PNA), Radyo Pilipinas, People’s Television Network (PTV), at iba pang online platforms media ng pamahalaan, isusulong ng mga ahensiya ang paglaban kontra sa pagkalat ng fake news at maling impormasyo­n.

Malaki ang inilaan ng pamahalaan para sa modernisas­yon ng mga nasabing ahensiya na gagamit umano ng teknolohiy­a upang maibigay ang tamang impormasyo­n sa pinakamama­layong lugar sa Pilipinas.

Kaugnay nito, hinikayat ni PIA Director-General Harold Clavite ang publiko na makilahok upang masolusyun­an ang mga isyu na nakaapekto sa pagkalat ng tamang impormasyo­n at upang mabago ang sitwasyon ng pagkalat ng impormasyo­n sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines