Balita

SA KABILA NG TSISMIS NG HIWALAYAN Lani, bilib sa pagiging lyricist ni Jolo

- MB Entertainm­ent

TIKOM ang bibig ni Bacoor Mayor Lani Mercado nang tanungin tungkol sa umano’y hiwalayan ng anak na si Jolo Revilla at kanyang girlfriend na si Jodi Sta. Maria.

Ayon sa ina ng aktor, wala siyang masasabi tungkol sa isyu.

“It would be best if you ask them as they’re already of the right age (to speak for themselves)”.

Clue kaya ito? At ayon pa kay Lani, nagsisimul­a nang magsulat ng mga kanta si Jolo.

“My son is now a lyricist,” pagbabahag­i niya. “He has written a numbers of poems. He has a lot of sentiments, a lot of inspiratio­ns. I myself ask where he gets it. There came a point that I was amazed over his works.”

Sinabi rin ng actress-turned politician na sa tuwing may matatapos na obra si Jolo ay kaagad itong sinasabi sa kanila ng anak.

Nakapag-record na rin daw ng kanta ang kanyang anak, pero hindi niya sure kung ire-release niya ito o gagawan ng album.

“Let’s just wait and see,” tukso ng aktres. Tinanong namin kung ano ang tema ng mga kanta ni Jolo, at sagot niya, “Hurt, falling in love, different emotions. About love looking for hope, also love newly blossomed.” Umusbong ang mga usapusapan na hiwalay na ang dalawa dahil sa birthday greetings ni Jolo kay Jodi, 36, kamakailan. “I wish you all the happiness in this world that you deserve. Thank you for bringing out the best in me. Thanks for the wonderful eight years! Happy birthday Jods! God Bless always!” caption ng politician sa candid photo ng aktres. Kaagad namang naglabasan ang mga espekulasy­on na may mali sa caption ni Jolo dahil tinawag niya ang kanyang girlfriend na “Jods” sa halip na “my love” at “forever ko”, na kanilang pet names. Noong Disyembre ay tinawag pa ng aktor si Jodi na kanyang “soon to be wife” sa isa sa kanyang mga post. Unang umamin ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon noong 2012. Gayunman, naghiwalay sila makalipas ang apat na taon, bago muling nagbalikan.

 ??  ?? Jolo
Jolo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines