Balita

Marian, humusay pang lalo nang idirek ni Dingdong

- Nora V. Calderon

UMANI ng maraming papuri ang Kapuso Primetime Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa social media, at nag-trending ang ginawa nilang first anniversar­y episode ng drama anthology on overseas Filipino workers (OFW), ang Tadhana, hosted by Marian herself.

Si Marian nga ang gumanap sa first anniversar­y episode nilang “Sugat ni Inay”, habang si Dingdong naman ang nagdirek.

Sa nasabing episode, nagtrabaho si Marian (Jackie) sa Bahrain, iniwan ang mga anak at asawang may sakit para mabigyan ang mga ito ng magandang buhay. Pero sa dalawang taong pagtatraba­ho ay hindi siya pinalabas ng bahay, hindi makatawag sa cell phone at pinagmalup­itan pa ng among babae. Niloko pa siya ng kapwa Pilipinong nagtatraba­ho kasama niya, nang angkin nito ang sulat at perang ipinadadal­a niya sa kanyang pamilya. Dahil dito, nagtanim ng galit ang panganay niya at ayaw na siyang kilalanin pagbalik niya sa Pilipinas.

Habang ipinalalab­as ito last Saturday sa GMA 7, marami na agad comments na nai-post sa Facebook account na @Marian Rivera. Ilan sa mga ito ang kay @ Arlene Paunil: “Congrats maam Marian. Ang ganda po ng episode nyo lalo na at ikaw ang nagdala at si Dingdong. Napaiyak kami sa time na aalis kang muli at tinawag ka ng iyong anak... Ang daming aral at kasama na dun ang kayang magtiis ng isang ina, lahat ng sakit para lang sa kanyang anak. We are so proud of you Ma’am Marian Rivera Dantes.”

Komento naman ni @Lorna Garcia: “Maganda at puno ng aral sa mga anak na napilitang mangibangb­ansa para sa magandang kinabukasa­n ng mga anak, na ‘di alam ng mga anak ang dinadanas na hirap ng kanilang mga ina. Napakagand­ang episode ng “Tadhana” para mamulat ang mata at isipan ng mga anak na dapat nilang pahalagaha­n dahil luha at pawis ang kapalit ng bawat sentimo na kanilang nahahawaka­n.”

Ayon kay @Aidale Aredam: “Lahat ng episode ng Tadhana maganda ang story at wala ako pinalagpas, now na si Marian ang gumanap mas lalo akong naexcite...andun pa rin ang galing ni Marian sa drama esp sa crying scene madadala ka talaga at maiiyak... Congrats Yan for the great performanc­e & kudos also to Direk Dong!”

Reaksiyon naman ni @Rick Cruz: “Only Marian Rivera can deliver it, her mother was also a former OFW. Congratula­tions Marian and Dingdong, and to GMA Network. May dagdag pang pakilig sa DongYan fans ang episode dahil umapir pa si Dingdong bilang ang abogadong tumulong kay Jackie para manalo ang kaso niya.

Right after Tadhana, nakakuha agad ito ng 1.2K likes, 57 comments, 66 shares 35.9K views at dumarami pa habang tinitipa namin ito. Iyong mga narito sa Pilipinas, nai-tape at naipadala na sa mga kamag-anak nila abroad ang nasabing episode dahil delayed daw ang airing doon ng GMA Pinoy TV.

 ??  ?? Marian at Dingdong
Marian at Dingdong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines