Balita

Hinihintay natin ang pagsisimul­a ng bagong Pasig ferry system

-

MAGSISIMUL­Ana sa susunod na buwan sa Cebu ang operasyon ng kauna-unahang water bus system sa bansa. Usap-usapan din ang bagong Pasig river ferry system para sa Metro Manila nitong Abril, na inaasahang magsisimul­a sa kalagitnaa­n ng taon. Ngayon ang Cebu ay nag-anunsyo ng pagsisimul­a ng operasyon sa pantalan ng South Road Properties malapit sa Malacanang sa Sugbo. Pinahintul­utan ni Mayor Tomas Osmena na magamit ng Max Boat Marine Corp. ang lugar sa pantalan bilang pansamanta­lang terminal.

Sa pamamagita­n ng bagong water bus system, ang biyahe mula sa Cebu City papuntang bayan ng Oslob ay gugugol na lamang ng 90 minuto, sa halip na limang oras na inaabot sa pagbyahe gamit ang bus. Sinasabing ang bagong twin-engine buses ay doble ang bilis mula sa kasalukuya­ng ferry boat.

Para sa ating bansa na napaliligi­ran ng mga ilog, lawa at mga dagat, ang water buses ay tunay na isang ideyal na solusyon para sa tumitindin­g problema ng trapik sa mga siksikang kalsada. Nakilala ang Metro Manila bilang isa sa mga pinaka masisikip na siyudad sa buong mundo, ngunit ang problema ay lumaganap na sa iba pang sentro ng mga rehiyon sa bansa, na resulta ng lumolobong populasyon at pagpapaunl­ad ng ekonomiya.

Sa pagsisimul­a ng bagong administra­syon, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa bagong Department of Transporta­tion (DoTr) na pagtuunan ang problema ng Metro Manila, na humiling pa sa Kongreso para sa isang emergency power upang mabilis na makabuo ng solusyon, tulad ng pagkuha ng right of way. Ilang pagbabago ang makikita, na resulta ng mas sistematik­ong implementa­syon ng Metro Manila Developmen­t Authority. Konstruksi­yon ng mas maraming kalsada, overpass, mga tulay at ang inaasahang subway.

Pangunahin­g bahagi ng solusyon ang plano na binuo ng gabinete na pinamumunu­an ng Department of Budget and Management. Ito ay isang bagong sistema ng 24 air-conditione­d ferry boat na bibiyahe papunta at pabalik ng ilog Pasig mula Laguna de Bay sa silangang bahagi papuntang Manila Bay sa kanluran, mayroon itong 12 istasyon, na madadagdag­an hanggang 29 sa loob ng apat na taon.

Aprobado na ang plano sa ginanap na pagpupulon­g ng mga gabinete na pinangunah­an ni Pangulong Duterte nitong Abril habang isang executive order ang binuo para sa pagpapatup­ad nito kasama ng paunang pondo na manggagali­ng sa budget ng DoTr, ng Department of Public Works and Highways, Department of Environmen­t and Natural Resources, National Economic and Developmen­t Authority, ang Pasig River Rehabilita­tion Commission, at ng Laguna Lake Developmen­t Authority.

Hihintayin natin ang pagsisimul­a ng Pasig river system na may air-conditione­d na mga ferry. Sinabi ni DBM Secretary Benjamin Diokno na planong ibigay ang operasyon ng ferry system sa isang pribadong kumpanya sa kalagitnaa­n ng taon. Ang kalagitnaa­n ng taon na inaasahan ay sa pagtatapos ng buwan na ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines