Balita

Alden, inuulan ng blessings

- Ni NORA V. CALDERON

MORE

blessings at more work ngayon para kay Alden Richards. Paano pagkakasya­hin ni Alden ang katawan niya sa tatlong major things na gagawin niya?

For almost two months, three times a week ang taping ni Alden para sa bago niyang actiondram­a-fantasy series sa GMA 7, ang Victor

Magtanggol under Dominic Zapata. Isinabay na rin niya ang pagre-record ng theme song at music video ng serye na

Superhero Mo with the Ex-Battalion, na ngayon ay puwede nang i-download sa iTunes, at nasa top three single for the week.

Natapos na ring i-record ni Alden ang cover single ng bago niyang album sa GMA Records na I Will Be Here. Last June 24, may pre-selling na ang single sa iTunes at ‘yung mga nag-order na, maririnig na nila ito sa Sunday, July 1, na puwedeng isabay ang launch sa araw na iyon, dahil may Sunday PinaSaya rin si Alden.

At matapos ang ilang araw nang panghuhula ng fans sa pakulo ng GMA Records na “Soon! Alden n R ichards rds Adrenaline Rush” ay alam na kaagad gad ng fans ng Pambansang Bae na Alden concert iyon, kahit wala pang details na ibinigay ang record company.

At kahapon, June 26, ay lumabas na nga ang details: “Alden Richards Adrenaline Rush” September 21, 2018, 8PM, Kia Theatre. For ticket inquiries, please call 376-3395, Monday to Friday (10am-6pm ONLY).” Matatandaa­ng last year ay sa Kia Theater din ginawa ang very successful major concert ni Alden, ang Upsurge, na produced din ng GMA at GMA Records.

Paalis pa si Alden sa first week of July para sa taping ng Victor Magtanggol sa isang siyudad sa Canada. Hindi naman sila magtatagal doon. Malapit na ring mapanood ang Victor Magtanggol sa primetime block ng GMA 7.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines