Balita

Gun-for-hire leader, 2 pa, todas sa buy-bust

- Nina MARY ANN SANTIAGO AT FER TABOY

Tatlong drug suspects, kabilang ang umano’y lider ng 'Bong Chavez gun-for-hire group', ang napatay sa buy-bust operation sa Antipolo City, kamakalawa ng gabi.

Sa report ni Rizal Provincial director, Police Senior Supt. Lou Frias Evangelist­a kay Calabarzon Regional director, Police Chief Supt. Edward E Carranza, kinilala ang dalawa sa mga napatay na sina Robert D. Chavez, nasa hustong gulang; at Dennis Aleonar Vidal, 39, kapwa ng Sitio Maagay 1, Barangay Inarawan, Antipolo City; habang inaalam pa ang pagkakakil­anlan ng isa pang suspek, na inilarawan­g nakasuot ng itim na sando at itim na shorts at may tattoo sa kanang braso.

Sa ulat, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Regional Drug Enforcemen­t Unit (RDEU), Rizal Police Provincial Office (RPPO) at Antipolo City Police laban sa tatlong suspek sa Sitio Maagay, sa Bgy. Inarawan, Antipolo City, dakong 11:15 ng gabi.

Nauwi sa engkuwentr­o ang operasyon na naging sanhi ng pagkamatay ng mga suspek na sinasabing pawang nanlaban sa awtoridad.

Ayon pa sa awtoridad, si Chavez, na high value target at kabilang sa drug watch list ng Rizal Province, ang pinaniniwa­laang lider ng 'Bong Chavez gun-for-hire' group na nag-o-operate sa Calabarzon, Region 3, at National Capital Region (NCR).

Ang naturang grupo rin ang itinuturon­g sangkot sa pagpatay kay Police Supt. Ramy Tagnong, chief legal officer ng Calabarzon, na inambush sa Bgy. Dalig, Antipolo City noong Mayo 4, 2018; at maging sa retiradong pulis na kumandidat­ong kapitan na si ( ret.) SPO1 Rodolfo "Rody" Lico, 56, noong Mayo 19, 2018.

Narekober sa mga suspek ang isang pakete ng umano’y shabu; P1,000 marked money; isang pakete ng hinihinala­ng shabu, na may bigat na 100 gramo at nagkakahal­aga ng P680,000; isang kalibre .45 pistol; dalawang kalibre .38 revolver; isang kalibre .22 pistol, at iba’t ibang uri ng bala.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines