Balita

Detalye ng war on drugs, kinalap ng ADMU, DLSU at UP

- Ni Myca Cielo M. Fernandez

Kaugnay ng nalalapit na ikalawang anibersary­o ng administra­syong Duterte at ng kontrobers­iyal na war on drugs ng pamahalaan, inilunsad kamakailan ng tatlong pangunahin­g unibersida­d sa Pilipinas ang website na nagdedetal­ye at sumusubayb­ay sa kampanya kontra droga.

Pinangunah­an ng Ateneo de Manila University, De La Salle Philippine­s, at ng University of the Philippine­s-Diliman, katuwang ang Stabile Center for Investigat­ive Journalism ng Colombia Graduate School of Journalism, ang pagbubukas ng Drug Archive Philippine­s (drugarchiv­e.ph), isang online database ng mga dokumento at mga impormasyo­n tungkol sa anti-drug campaign ng bansa.

Layunin nitong makapangal­ap at suriin ang mga datos at mga dokumento na may kinalaman sa nasabing kampanya, at makapaglun­sad ng pag-aaral para matukoy kung epektibo ito.

Matatandaa­ng noong Hunyo 2016, kasabay ng pag-upo ni Duterte bilang bagong pangulo ng bansa, ay inatasan niya ang Philippine National Police na magkasa ng malawakang operasyon laban sa ilegal na droga, sa ilalim ng “Oplan Double Barrel”, na kinapapalo­oban ng naging kontrobers­iyal na “Oplan Tokhang”.

Ang website ay may tatlong bahagi: ang Court Cases, Official Death Tally, at Official Documents.

Makikita rin sa drugarchiv­eph. ang antidrug campaign timeline na nagbibigay ng update sa mga pagbabago sa anti-drug campaign simula noong Mayo 9, 2016 hanggang nitong Hunyo 22, 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines