Balita

Biyahe ng mga barko gustong ibalik ni Digong

- Genalyn D. Kabiling

Pinag-iisipan ng gobyerno ang posibleng pagtatag ng mas maraming shipping routes sa bansa para magkaloob ng alternatib­ong transporta­syon sa publiko.

Hiniling ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kay Transporta­tion Secretary Arthur Tugade na pag-aralan ang pagbubukas ng karagdagan­g sea transporta­tion lines at magalok ng tax incentives sa ferry services.

Ipinanukal­a ito ni Duterte matapos makatangga­p ng mga reklamo kaugnay sa limitadong linya ng mga barko sa bansa kayat walang ibang masasakyan ang mga biyahero, lalo na ang mahihirap.

“I’d like to call the attention of Tugade to study. Eh kung ano ‘di government will subsidize by way of tax exemption para maibalik lang ‘yung mga barko-barko,” sinabi ng Pangulo sa oath-taking ng Northern Mindanao barangay captains sa Cagayan de Oro City nitong Lunes.

Ayon kay Digong, may mga pasahero na mas gustong sumakay ng barko sa halip na eroplano dahil sa takot sa paglipad. Binanggit din niya na ang ilang airline companies ay istrikto sa agricultur­al cargo na dala ng mga pasahero.

“Alam mo ‘yang mga mahirap magpunta ‘yan ng Maynila magdala ng mga manok, itlog, bigas. Pag-abot ng mga airline napaka-istrikto,” aniya.

Sinabi rin niya dumaranas ng “severe stress” ang mga pobreng pasahero na hindi sanay sumakay ng eroplano. “So ibalik talaga ‘yung barko. Bakit ewan ko kung bakit naputol,” aniya.

Nalaman kamakailan ng Pangulo na walang direktang biyahe ng barko mula Davao patungong Manila, at kailangan pang dumaan ng mga pasahero sa General Santos para makasakay ng barko.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines