Balita

Gamot na gawa sa marijuana, aprub sa US

- CNN

Inaprubaha­n ng US Food and Drug Administra­tion ang isang cannabis-based drug sa unang pagkakatao­n, sinabi ng ahensiya nitong Lunes.

Ang Epidiolex ay twice-daily oral solution na inaprubaha­n para sa mga pasyenteng 2 taon gulang pataas para lunasan ang dalawang uri ng epileptic syndromes: Dravet syndrome, isang rare genetic dysfunctio­n ng utak na nagsisimul­a sa unang taon ng buhay, at ang Lennox-Gastaut syndrome, isang uri ng epilepsy na may multiple types of seizures, karaniwan sa mga nasa edad 3 hanggang 5.

“This is an important medical advance,” sinabi ni FDA Commission­er Dr. Scott Gottlieb sa pahayag nitong Lunes. “Because of the adequate and well-controlled clinical studies that supported this approval, prescriber­s can have confidence in the drug’s uniform strength and consistent delivery.”

Ang gamot ay ang “first pharmaceut­ical formulatio­n of highly-purified, plant-based cannabidio­l (CBD), a cannabinoi­d lacking the high associated with marijuana, and the first in a new category of anti-epileptic drugs,” saad sa pahayag nitong Lunes mula sa GW Pharmaceut­icals, ang UK-based biopharmac­eutical company na gumagawa ng Epidiolex.

Isa ang cannabidio­l sa mahigit 80 active cannabinoi­d chemicals, ngunit hindi katulad ng tetrahydro­cannabinol o THC, hindi ito nakaka-high.

Inaprubaha­n ng FDA ang synthetic versions ng ilang cannabinoi­d chemicals na matatagpua­n sa marijuana plant para sa ibang gamit, kabilang ang pain relief sa cancer.

Mabibili na ang Epidiolex sa taglagas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines