Balita

13 baril ng Cotabato ex-chairman, isinuko

- MALU CADELINA MANAR Malu Cadelina Manar

KIDAPAWAN CITY – Nasa 13 mataas na kalibre ng baril at daandaang bala ang isinuko ng kamag-anak ng dating kapitan sa bayan ng Magpet bandang 3:00 ng hapon nitong Lunes, iniulat kahapon.

Sinabi ni Julie Dinampo-Fajatin, nakababata­ng kapatid ni ex-chairman Renado Dinampo ng Barangay Tagbak, Magpet, sa awtoridad na ayaw nilang maulit ang nangyari noong Agosto 2017 kung kailan sinalakay ng mga komunista ang bahay ng kapitan at kinuha ang 10 armas.

"We know our brother has been keeping these guns for so long a time. This is giving us chills. We fear for our lives," sabi ni Fajatin.

Namatay sa sakit si Dinampo noong Abril 28, 2018.

Dalawang buwan matapos ang kanyang pagpanaw, nagdesisyo­n ang kanyang mga kamag-anak na isuko ang kanyang mga baril at bala na kanyang itinago simula noong 2000.

Ipinaliwan­ag ni Fajatin na nang maluklok si Dinampo bilang kapitan ng Barangay Tagbak sa Magpet, binili nito ang mga nasabing baril at bala upang labanan ang mga rebelde.

Si Dinampo, ayon kay Fajatin, ay numero unong kritiko ng NPA.

Agosto 2017, sinalakay ng mga rebelde, na pawang nagpanggap na bibili ng mga baril, ang bahay ni Dinampo sa Bgy. Sudapin dito at kinuha ang 10 mataas na kalibre ng baril, ayon kay Fajatin.

Kabilang sa mga armas ni Dinampos na isinuko nitong Lunes ay ang M16, M14, M1 Garand rifles, Carbines, grenade launchers, at daandaang bala, ayon sa isang opisyal ng 19th IB.

 ??  ?? MALALAKAS ANG MGA ‘TO Iniinspeks­iyon ng pulis at militar ang mga baril at bala na pag-aari ni ex-chairman Renado Dinampo ng Barangay Tagbak, Magpet. Nagdesisyo­n ang kamag-anak ni Dinampo na isuko ang kanyang mga armas kaysa kuhanin ng mga rebelde.
MALALAKAS ANG MGA ‘TO Iniinspeks­iyon ng pulis at militar ang mga baril at bala na pag-aari ni ex-chairman Renado Dinampo ng Barangay Tagbak, Magpet. Nagdesisyo­n ang kamag-anak ni Dinampo na isuko ang kanyang mga armas kaysa kuhanin ng mga rebelde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines