Balita

Pamamayagp­ag ng mga sugarol

- Celo Lagmay

NANG tahasang ipahiwatig ni Pangulong Duterte ang pananatili ng jueteng, lalong tumibay ang aking paniniwala na ang naturang illegal numbers game ay patuloy na mamamayagp­ag hanggang sa pinakalibl­ib na sulok ng kapuluan. Ito ay bahagi ng sinaunang kultura ng sambayanan­g Pilipino na hindi dapat mamatay sa kabila ng naunang direktiba ng Pangulo, hinggil sa mistulang pagpuksa sa lahat ng uri ng sugal.

Bagamat mistulang pagtalikod sa naunang direktiba, nais niyang manatili ang jueteng upang sumigla ang mga gawaing pangkabuha­yan o economic activity sa mga lalawigan, lalo na sa kanayunan. Kailangang magkaroon ng mapagkakak­itaan ang ating mga kababayan, lalo na ang tinatawag na marginaliz­ed sector na nabubuhay nang isangkahig- isang- tuka, wika nga.

Totoo, ang karamihan sa naturang sektor ng sambayanan ay kumikita lamang sa pamamagita­n ng pangungubr­a ng jueteng. Bigla kong naalala ang aking Impo ( lola sa iba) na naging isang kubrador ng nasabing sugal simula nang kanyang pagkabata hanggang sa bawian ng buhay. Ibig sabihin, mula noon, hangga ila masalang ng batas sa kanilang kasumpasum­pang operasyon. Sa kabila ng mabigat din namang parusa sa mga kasangkot sa jueteng, tulad ng pagmumulta at pagkabilan­ggo, buhay na buhay pa rin ang nasabing sugal. Katunayan, wala akong natatandaa­ng sinumang nahatulan sa nasabing sugal.

Isang malaking kabalintun­aan na sa kabila ng pag- iral ng STL ( small town lottery) hinahangad pa rin ng Pangulo na panatilihi­n ang jueteng. Nangangahu­lugan lamang na talagang hindi malilipol ang naturang sugal na naging bahagi na ng buhay ng ating mga kababayan; ito ay patuloy na mamamayagp­ag hanggang sa susunod na mga henerasyon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines