Balita

Birthday concert ni Kyline, gagawin sa September 8

- Ni NORA V. CALDERON

TULOY

na tuloy na ang birthday concert ng tween star at kontrabida­ng-bida sa Kambal Karibal na si Kyline

Alcantara. Definite nang sa September 8, five days after she turns 16 on September 3, ang concert na gaganapin sa SM Skydome ng SM North EDSA.

Kyline Take FL16HT ang title ng concert, na tugon ng GMA Records sa kahilingan ng mga Sunflowers ( fans ni Kyline). Tinanggap nila ang hamon ng Kyline Alcantara Worldwide ( KAW) na ipagproduc­e siya ng concert kapag umabot sa one million views ang Sundo cover ni Kyline sa YouTube, at sa 50,000 ang subscriber­s sa Kyline Alcantara Music.

Nahigitan pa ang ipinangako­ng hits ng kanta at subscriber­s ng YouTube Channel ni Kyline, kaya naman inihahanda na ng GMA Records ang birthday concert niya sa September 8. Speechless naman si Kyline nang malamang pinagbigya­n ng GMA Records ang request ng kanyang fans.

“Excited at kinakabaha­n din ako, but thankful,” maikling banggit niya.

Pagkatapos kasing pumirma ng exclusive contract ni Kyline sa GMA Network, sumunod siyang pumirma ng contract naman sa GMA Records.

Tuluy- tuloy din ang acting ni Kyline sa Kambal Karibal, na kung minsan ay gumaganap siya ng dual role bilang sina Crisel at Cheska. Every Sunday, regular nang napapanood si Kyline sa Sunday PinaSaya, kasama ang mga co-stars niya sa drama series nila, sina Bianca Umali at Miguel

Tanfelix, na bentang-benta naman ang love team.

 ??  ?? Kyline
Kyline

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines