Balita

Mariel napaiyak sa ‘pag-abandona’ sa anak

- Reggee Bonoan

PINAIYAK kahapon ng Magandang Buhay si Mariel Rodriguez-Padilla nang mag-guest siya sa programa nina Melai Cantiveros, Karla

Estrada at Jolina Magdangal. Napanood niya kasi ang video ng anak na si Maria Isabella

Padilla habang kumakatok sa pintuan ng kuwarto nila ng asawang si Robin Padilla, sa pag-aakalang natutulog pa siya.

Ito pala ‘yung sinasabi ni Robin na sobra siyang nahabag sa anak nila noong unang araw ng pagbabalik ni Mariel sa It’s Showtime noong Hunyo 18.

Nabanggit din ng aktor na kung magtutuluy-tuloy si Mariel sa hosting jobs nito sa ABS-CBN ay kinakailan­gang siya naman ang tatao sa bahay para bantayan ang anak nila, dahil hindi puwedeng wala sila pareho sa bahay.

Nagkuwento si Mariel sa Magandang Buhay kung bakit kumakatok ang anak nila ni Binoe sa kanilang kuwarto.

“This was sent to me nu’ng ano (unang araw sa Showtime). Naku, naiiyak tuloy ako. Kasi, what happened, siyempre first day, kasama ko si Isabella together-forever kami since nasa tiyan ko siya,” kuwento niya at nagsimula nang gumaralgal ang boses.

“Kasi kapag umaga nagigising kami tapos pinapalita­n ko siya ng diaper, binibigyan ko siya ng milk, nire-ready ko siya tapos natutulog ako ulit. So, ang alam niya nasa room ako.

“So, nu’ng day na umalis ako for work, nagpadala ng video ang yaya sa akin na kumakatok si Isabella sa door ng bedroom, kasi akala niya natutulog lang ako. Oh my gosh ang hirap,“umiiyak na sabi ni Mariel habang panay ang pahid ng luha.

“Iniyakan ko ‘yon. Para akong siraulo sa hallway ng ABS-CBN. Nagbi-breakdown ako roon. Umiiyak ako talaga. Kasi siyempre wala siyang kaalam-alam, hindi niya alam na ‘ yung mommy niya ay umalis, parang iniwan siya. Akala inabandona­da, ‘di ba?” tumatawang naiiyak na sabi pa.

“Tapos nu’ng napanood ko ‘ yung video na ‘yun, siyempre ang dami kong feelings so nagpaalam ako kung puwede three times a week na lang ako mag

Showtime after the video. Kasi para talagang nadurog ‘yung puso ko.

“The good thing was the business unit head of Showtime, si Ms

Merce ( Gonzales), matagal ko na siyang kilala. Matagal ko na siyang kasama ( PBB days pa) at kilalang-kilala na niya how to handle kasi nanay din siya, at alam niya ‘yung nararamdam­an ng isang nanay.

“Kaya sabi niya, ‘o gusto mo ba just for today umuwi ka nang maaga, pero papasok ka bukas.’ Sabi ko, ‘hindi Ms Merce tapusin ko today, pag-uwi ko naman ng bahay nakita ko na okay si Isabella. Together-forever na ulit kami. Tapos napaliguan ko siya, napatulog ko siya. ‘Yung nakapag-bonding kami ulit. Okay naman pala, kaya naman pala.

“Kaya tinext ko si Ms Merce na sabi ko, ‘thank you, I’ll see you tomorrow’. Mahirap talaga!”

Kaya as of now ay araw- araw na napapanood si Mariel sa It’s Showtime at minsan ay naaabutan pa niya sa bahay ang mag-ama niyang sina Robin at Isabella na nagdo-drawing gamit ang water color.

 ??  ?? Mariel at Isabella
Mariel at Isabella

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines