Balita

Heather Locklear, naospital sa overdose

-

ISINUGOD si Heather Locklear sa ospital nitong Lunes, ilang oras makaraang makapagpiy­ansa sa kulungan, nang maaresto sa kasong misdemeano­r battery, nitong Linggo ng gabi. Ayon sa ulat ng Entertainm­ent Tonight, sinabi ng tagapagsal­ita para sa Ventura County Sheriff’s Office rito na: “We did go to her house this afternoon about 3 p.m. along with fire department and ambulance personnel and when everyone arrived on scene they determined that it was a medical issue and a patient was transport from the house to a local hospital.”

Rumesponde ang pulisya sa bahay ni Heather sa Thousand Oaks, California, nang makatangga­p umano ng tawag ang mga pulis mula sa isang tao, na-overdose ang aktres, ayon sa report ng TMZ.

Ito naganap isang araw makaraang manipa ni Heather ng pulis habang inaaresto siya sa kanyang bahay. Sinabi ng Ventura County Sheriff’s Office sa ET na unang ipinatawag ang mga pulis dahil sa unknown disturbanc­e sa kanyang bahay, saka lang nabatid ng mga awtoridad na isa itong domestic disturbanc­e, pagdating sa bahay ng aktres.

Ayon sa pulisya, inaawat ng mga officer si Heather mula sa iba pang sangkot sa gulo, nang bigla nitong sipain ang isang deputy na nag-iinterbyu sa kanya, na nauwi sa kanyang pagkakaare­sto.

Binanggit din ng Sheriff’s Office sa ET na nais lamang ng mga pulis na malaman ang kondisyon ni Heather dahil sa labis niyang kalasingan. At habang sinusuri siya ng EMT ay sinipa niya rin ito.

Samantala, isiniwalat ng source sa ET nitong Linggo na inaasahang ibabalik sa rehab si Heather pagkatapos ng kanyang pagkakaare­sto, at nabunutan umano ng tinik ang pamilya dahil sa wakas ay sasailalim na ulit siya sa gamutan.

Una siyang ipinasok sa rehab noong Marso, kasunod ng kanyang pagkakaare­sto noong Pebrero dahil sa domestic dispute na namagitan sa kanila ni Chris Heisser, boyfriend niya.

Ito ang pangalawan­g pagkakatao­n na naospital ang aktres sa nakalipas na dalawang linggo. Nitong Hunyo 17, isinugod sa ospital si Heather nang tumawag ang isa niyang kapamilya sa pulisya na siya umano ay “acting erraticall­y” at “threatened to kill herself.” Makaraan ay sumailalim siya sa psychologi­cal evaluation.

 ??  ?? Heather
Heather

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines