Balita

Ole! Ole! sa Spain

-

KALININGRA­D, Russia (AP) — Kontrobers­yal ang huling hirit na goal ni substitute Iago Aspas para sa 2-2 draw laban sa Morocco na nagbigay sa Spain sa Group B lead sa World Cup.

Naunang idineklara­ng ilegal ang goal ni Aspas, ngunit isinantabi ito ng assistant referee matapos ang ginawang video review, sapat para makamit ng Spanish ang pangunguna sa group match-up sa Kaliningra­d Stadium.

“Until the last minute, we weren’t sure who was going to finish first and second,” pahayag ni Spain Coach Fernando Hierro. “And I have to say we were lucky to finish first.”

Pinalitan ni Hierro si Julen Lopetegui bilang coac ng Spain nang ipagpalit ng huli ang trabaho para maging coach ng premyadong pro team Real Madrid. Ngayon, pangangasi­waan ni Hierro ang koponan sa krusyal knockout stage.

“Obviously we can improve,” pahayag ni Hierro. “Five goals in three matches, that is not the way forward. That is what I have told my players, and they understand that.”

Nakuha ng Morocco ang unang goal mula kay Khalid Boutaib sa ika-14 na minuto, bago nakatabla ang Spain mula kay Isco sa halftime. Muling umabante ang Morocco sa kahangahan­gang goal ni Youssef En Nesyri sa ika-81 minuto ng laro.

Ngunit, hindi sumuko ang Spain para maitabla ang iskor at ungusan ang Portugal, tumabla rin sa Iran, sa top seeding sa Group match. Sunod na haharapin ng Spain ang host Russia sa Linggo (Lunes sa Manila) sa Moscow, habang mapapalaba­n ang Portugal sa Uruguay sa Sochi.

“We haven’t really won anything yet. It’s been a very tough match,” sambit ni Isco. “Maybe we weren’t focused from the very beginning. We needed them to score on us to force us to react.”

 ?? AP ?? NAGDIWANG sina Gerard Pique at Sergio Ramos (kanan) ng Spain matapos makalusot at makaiskor si Iago Aspas para maipuwersa ang 2-2 draw laban sa Morocco sa Group B match ng 2018 soccer World Cup.
AP NAGDIWANG sina Gerard Pique at Sergio Ramos (kanan) ng Spain matapos makalusot at makaiskor si Iago Aspas para maipuwersa ang 2-2 draw laban sa Morocco sa Group B match ng 2018 soccer World Cup.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines