Balita

Bersamina at Mendoza, impresibo sa ASEAN rapid

-

MULA sa matagumpay na kampanya sa standard event, tuloy ang ratsada nina Internatio­nal Master Paulo Bersamina at Shania Mae Mendoza nang pataubin ang kanilang karibal para manguna sa premier Under-20 class ng rapid event sa 19th ASEAN+ Age Group Chess Championsh­ips kahapon sa Royal Mandaya Hotel sa Davao City.

Nilaspag ni Bersamina si Vietnam’s Pham Minh Hieu pata mapanatili ang sosyong liderato kasama si Vietnamese Ngueyn Huynh Tuan, habang naungusan ni Mendoza ang pambato ng Davao City na si Ella Grace Moulic pata makisosyo sa pangunguna sa women’s side kina Vietnam bets Nguyen Thanh Thuy Tien at Nguyen Thi Minh Oanh.

Hataw si Dale Bernardo, nakuha ang IM title matapos magkampeon sa standard U18 nitong weekend, nang gapiin si Jerick Marino at makisosyo sa pangunguna sa 16-under class kina Istraelito Rilloraza at top pick IM Tran Minh Thang ng Vietnam.

Ginapi ni Rilloraza si Marc Bryan Villarojo, habang nanaig si Tran sa kababayang si Nguyen Tien Anh sa torno na inorganisa ng Chess Events Internatio­nal, at sanctioned ng NCFP sa pakikipagt­ulungan ng Philippine Sports Commission at Davao City Mayor Sara Duterte.

Nakopo ni Woman FIDE Master Allaney Jia Doroy ang solong pangunguna nang pabagsakin si Vietnam’s Kieu Bich Thuy sa girls U18.

Sa open U16, inagaw ni Jarvey Labanda ang atensyon mula sa liyamadong players nang pabagsakin si top seed IM Nguyen Anh Khoi para makisosyo sa six-player logjam sa liderato kasama sina tandard gold medal winner Ronald Canino, namayani sa kababayang si Reishi Boy Polan.

Wala pa ring talo sa division matapos ang dalawang round sina Vietnam’s Nguyen Lam Yung, Pham Phu Vinh at Bui Duc Huy, gayundin sina Philippine­s Cyril Felrod Telesforo, nagwagi kay FM Alekhine Nouri.

Sa U14, namayani si Daniel Quizon kay Tran Dang Minh Quang ng Vietnamm habang sa U8, nanatiling malinis ang marka ni Al-Basher Buto nang gapiin si Vietnam’s Ho Dang Nhat Minh.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines