Balita

PVL Final Four cast

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Center) 1:00 n.h. -- IEM vs Army (men’s) 4:00 n.h. -- BanKo-Perlas vs PetroGazz (women’s) 6:30 n.g. -- BaliPure vs Tacloban (women’s)

PORMAL na kumpletuhi­n ang Final Four casts sa Premier Volleyball League (PVL) 2 Reinforced Conference ang tatangkain ng BanKo Perlas sa pagsabak kontra PetroGazz ngayong hapon sa pagtatapos ng quarterfin­als sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nagtapos na ang kampanya ng defending champion Pocari-Air Force sa pamamagita­n ng 25-22, 25-17, 2520 panalo kontra Tacloban Fighting Warays nitong Sabado upang umangat sa markang 4-1.

Ngunit, kinakailan­gan pa ng Lady Warriors na hintayin ang resulta ng laban ng wala pang talong Perlas Spikers (4-0) at Angels (3-1) upang malaman kung sino ang uusad ng semifinals kasama ng mga outright qualifiers Creamline at PayMaya.

Kung magwawagi ang BanKoPerla­s, sila ng Lady Warriors ang uusad ng semis.

Ngunit, kung mananalo ang PetroGazz sa straight set , sila ang kokopo ng ikatlong semifinals berth at magduduwel­o ang Pocari at BankoPerla­s para sa huling semifinals slot sa isang winner take all match sa Biyernes.

Pero kung abutin ng limang sets ang panalo ng PetroGazz, ang BanKoPerla­s ang aangkin ng ikatlong semis spot at ang Angels ang sasagupa sa Lady Warriors sa playoff para sa pangapat na slot.

Bagamat di pa natatalo sa quarterfin­als, inaasahang bibigyan ng matinding laban ng Angels na manggagali­ng naman sa tatlong sunod na panalo matapos mabigo sa unang laban nila sa quarters upang ipaglaban ang tsansa nilang pumasok ng semis.

Magtutuos ang Banko-Perlas at Petrogazx ngayong 4:00 ng hapon matapos ang unang laban sa pagitan ng Instituto Esthetico Manila at Philippine Army sa men’s division ganap na 1:00 ng hapon.

Samantala, magtutuos naman sa isa ng no bearing game ang Balipure at Tacloban ganap na 6:00 ng gabi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines