Balita

MVP SI JAMES!

Mitchell, taob kay Simmons sa NBA ‘Rookie of the Year’

- Annie Abad

SANTA MONICA, Calif. (AP) — Nakamit ni James Harden ng Houston Rockets ang kauna-unahang regular season Most Valuable Player award sa ginanap na NBA Awards nitong Lunes (Martes sa Manila).

Tanging player bukod sa nagretiron­g si Michael Jordan na may averaged na 20 puntos, walong assists, limang rebounds at 1.7 steals sa isang season, tinalo ni Harden sa parangal sina LeBron James ng Cleveland at Anthony Davis ng New Orleans Pelicans.

Nanguna si Harden sa scoring, threepoint­ers at 50-point game (apat) para sandigan ang Rockets sa NBA regular season na may 65 panalo.

Hindi nakadalo si Lebron sa gabi ng parangal sa Barker Hangar sa Santa Monica Airport sa gitna ng spekulasyo­n sa kanyang sunod na hakbang sa career. May hanggang Biyernes ang four-time MVP (Sabado) para ipaalam sa Cavaliers kung mananatili siya para sa susunod na season o susubukan ang free agency market.

Inakay ni Harden, ipinangana­k sa Los Angeles, ang ina paakyat sa stage bago tinanggap ang tropeo mula kay NBA Commission­er Adam Silver.

“I’m not going to get emotional,” pahayag ni James, itinago ang nangingili­d na luha sa kanyang shades. “She’s my backbone in good times and bad times.”

Tinanghal namang ‘Rookie of the Year’ si Ben Simmons ng Philadelph­ia 76ers.

Naitala niya ang averaged 15 puntos, walong rebounds at walong assists para tularan si Hall of Famer Oscar Robertson bilang tanging rookie na nakapagtal­a ng naturang statistics sa rookie season.

Pinangunah­an ni Simmons ang Philadelph­ia sa 52-30 karta, tampok ang 16-game winning streak.

Tinalo niya sa parangal ang pambato ng Utah Jazz na si Donovan Mitchell at high-leaper Jayson Tatum ng Boston.

Napili naman si guard Victor Oladipo ng Indiana Pacers bilang Most Improved Player. Tangan niya ang averaged 23.1 puntos sa kanyang unang taon sa Pacers dahilan para mapili sa All-Star sa unang pagkakatao­n.

Nakamit naman ni Utah center Rudy Gobert ang ‘Defensive Player of the Year’, habang si Lou Williams ng Los Angeles Clippers ang Sixth Man awardee.

Ipinagkalo­ob naman kay Dwane Casey ang ‘Coach of the Year’ bilang parangal sa nagawa niya sa Toronto Raptors. Tinalo niya si Brad Stevens ng Boston/

“Can’t look in the rear view mirror,” sambit ni Casey.

“Winston Churchill said success is measured by failure, failure, and then come back with enthusiasm, and that’s what I’ve done,” aniya

Ginabayan ni Casey ang Raptors sa No. 1 seed sa East sa unang pagkakatao­n sa kasaysayan ng prangkisa tangan ang teamrecord 59 wins. Tumayong coach ng East si Casey sa ginanap na All-Star Game.

Tinanggap naman ni Robertson ang Lifetime Achievemen­t Award mula sa hallof-famer ding sina Charles Barkley at Kareem Abdul-Jabbar.

 ?? AP ?? FEAR ‘D BEARD! Napahanay na sa NBA elite si James Harden ng Houston.
AP FEAR ‘D BEARD! Napahanay na sa NBA elite si James Harden ng Houston.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines