Balita

Beermen at Hotshots, maniniguro ng playoffs

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (MOA Arena) 4:30 n.h. – SMB vs Blackwater 7:00 n.g. -- Magnolia vs NLEX

MASIGURO ang tagayan sa susunod na round ang tatangkain ng defending champion San Miguel Beer sa pagsagupa sa nasibak ng Blackwater sa double-header PBA Commission­ers Cup eliminatio­n ngayon sa MOA Arena sa Pasay.

Magtutuos ang Beermen ( 5- 4) at ang Elite(1-9) sa pambungad na laban ganap na 4:30 ng hapon bago ang tampok na bakbakan sa pagitan ng Magnolia (4-5) at NLEX (2-8).

Kapwa namaalam na sa kampanya, hangad na lamang kapwa ng Elite at Road Warriors ang respetadon­g pagtatapos ng kampanya sa second conference habang magsisikap namang pumuwesto sa playoffs ang Beermen at Hotshots.

Tatangkain ng tropa ni coach Leo Austria na masungkit ang ika-6 na panalo na pormal na magsusulon­g sa kanila sa susunod na round kung saan sa kasalukuya­n ay may nababanaag­an pa silang pag-asa na makahirit sa no. 2 spot kung mananalo sila ngayon sa Elite at sa Hotshots sa huli nilang laro sa eliminatio­n round at umasang matalo ang Alaska at TNT sa huli nilang laban.

Kapag nagkataon, magkakaroo­n ng 4-way tie sa 7-4 sa pagitan ng SMB, TNT, Alaska at Meralco at tiyak na babasagin ito sa pamamagita­n ng playoff para alamin kung sino ang ikalawang team na magtatagla­y ng bentaheng twice-to-beat sa quarters kasama ng top seed Rain or Shine.

Sasakyan ng Beermen ang momentum ng naitalang back-to-back win kontra Katropa at Road Warriors habang sisikapin naman silang ma-upset ng Elite upang madagdagan ang nagiisa nilang panalo sa mid season.

Babawi naman ang Magnolia mula sa 84-104 na pagkabigo sa nakaraang laban nila ng Ginebra upang makalapit sa inaasam na pagpasok sa quarters.

Ipaparada ng Hotshots ang pinakabago at pang-apat nilang import ngayong conference na nagkataong dating import ng NLEX noong nakaraang taong Commission­ers Cup na si Wayne Chism.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines