Balita

Miley, may fundraisin­g para sa migrant children

-

IPINAKIKIT­A ni Miley Cyrus ang kanyang suporta para sa mga batang migrant na inihiwalay sa kanilang mga magulang sa U.S. border sa pamamagita­n ng paghikayat sa kanyang fans na lumikom ng pera para sa kanila, iniulat ng Cover Media.

Mahigit 2,300 bata ang inihiwalay sa kanilang mga pamilya kasunod ng pagpapatup­ad sa kontrobers­iyal na zerotolera­nce policy ni President Donald Trump, na nagpapahin­tulot sa law enforcemen­t agents na ilayo ang mga bata sa kanilang mga magulang at idetine ang mga ito matapos ilegal na tumawid sa Mexican border papasok sa Amerika.

Binawi na ni Trump ang kautusan ngunit maraming bata ang hindi pa naibabalik sa kanilang mga pamilya.

Maraming celebritie­s ang naghahanap ng mga paraan para makatulong, at isa na sa kanila si Miley na naglunsad ng fundraiser para sa KIND (Kids in Need of Defense) sa Facebook. Nakalikom na ang Wrecking Ball hitmaker ng halos $32,000 para maabot ang kanyang $35,000 goal simula nang ilunsad niya ang kampanya nitong Lunes.

“(Charity) Happy Hippie and I believe EVERYONE has the right to be with their families and deserves a safe place to call their home,” isinulat niya sa social media site. “Thousands of migrant children remain detained and separated from their families RIGHT NOW. These are children and families who are escaping violence in their home countries and want a future where they can be safe and together.

“Join me in supporting KIND, a nonprofit working to protect the basic rights of unaccompan­ied children in the United States. Funds will be used to get families legal representa­tion so they can be reunited.”

Noong 2014, itinatag ni Miley ang kanyang Happy Hippie foundation na tumutulong para labanan ang youth and LGBTQ homelessne­ss, at nagpupursi­ge para mapaangat ang iba pang marginaliz­ed communitie­s.

 ??  ?? Miley
Miley

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines