Balita

Simbahan at NPA

- Ric Valmonte

PINUTOL na ng National Democratic Front of the Philippine­s ( NDFP) ang pakikipagu­gnayan kay Pangulong Duterte hinggil sa usapang pangkapaya­paan. Ayon kay NDFP consultant Jose Ma. Sison, higit na madali at mabunga pa para sa mga rebelde ang makilahok sa kilusang ibagsak ang Pangulo kaysa makipagneg­osasyon pa para sa kapayapaan. Hindi, aniya, intresado ang Pangulo na makiisa sa paglikha ng programang pangekonom­iya kabilang dito ang pambansang industriya­lisasyon at tunay na reporma sa lupa. “Nais niyang manatili ang sistemang semi- fendal habang sinusundan niya ang linya ni diktador Ferdinand Marcos na build, build, build infrastruc­ture, borrow, borrow, borrow and steal, steal, steal,” sabi pa ni Sison. Una rito, nagreklamo si Sison sa pagsuspind­e ng dalawang buwan sa usapan. Susubukan umano ng Pangulo kung magiging epektibo siya sa paglunsad ng opensiba laban sa mga rebelde sa panahong ito.

Sa kabila banda, nagbuo ang Pangulo ng komite para makipagday­alogo sa mga grupo ng mga kinatawan ng simbahan, partikular ang Simbahang Katoliko. Buga ito ng pagtawag niya ng “stupid” sa Diyos na labis ikinagalit ng mga taong simbahan. Ang komite ay binubuo nina Pastor Saycon, Foreign Undersecre­tary Ernesto Abella, Leoncio Evasco, at Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque.

Noong unang panahon, bago pa ideklara ni dating Pangulong Marcos ang martial law, magkalaban ang Simbahan at mga komunista. Tubig at langis ang kanilang relasyon. Ayon kasi sa Simbahan, walang Diyos ang mga komunistan­g rebelde. Subalit nang maging malupit na si Marcos sa taumbayan sa pagmiminti­na niya ng martial law at pagiging diktador, walang nagawa ang Simbahan at ang mga rebeldeng komunista kundi ang magkaisa. Sa kanila kasi tumakbo ang mga mamamayang ginutom na nga ay pinaglupit­an pa ng rehimeng Marcos. Sa kanila humingi ng kalinga at tulong ang mga ito. Sa pagsandig sa kanila ng mamamayan, nakabuo ang mga ito ng napakalaka­s na puwersa na siyang tumibag sa moog ng diktadura. Sa demokrasya, malakas ang gobyerno kapag ito ay suportado ng mamamayan. Kapag epektibong nagagamit ng mamamayan ang gobyerno bilang instrument­o para sa kanilang ikabubuti at ikaliligay­a, malakas ang gobyerno. Pero kapag humina ang gobyerno at hindi naging gobyerno ng nakararami kundi ng iilan lamang, napakabuwa­y nito. Marahil ito na ang nararamdam­an ng adminstras­yong Duterte, kaya ang pagmamalup­it sa taumbayan, lalo na sa mga dukha, ang ginagawa. Kapag humihingi na ang mga ito ng katarungan, siguradong makakatulo­ng nila ang Simbahan at NPA.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines