Balita

Voter’s registrati­on simula uli bukas

- Mary Ann Santiago

Sisimulan nang muli ng Commission on Elections (Comelec) bukas, Hulyo 2, ang voter’s registrati­on sa bansa para sa mid-term elections sa Mayo 13, 2019.

Kaugnay nito, hinimok ni Comelec Spokespers­on James Jimenez ang mga botante na samantalah­in ang pagkakatao­n upang makapagpar­ehistro at matiyak na makakaboto sila sa nalalapit na eleksiyon.

Bukod sa registrati­on ng mga bagong botante, maaari ring magtungo sa mga city, district o municipal office ng Comelec ang mga nais na mag-apply para sa transfer at transfer with reactivati­on ng record, reactivati­on ng record, change o correction ng informatio­n, inclusion o reinstatem­ent ng record sa voter’s list, simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Sabado.

Tiniyak naman ni Jimenez na bukas din ang mga tanggapan ng Comelec kahit holiday.

Nilinaw naman ni Jimenez na hindi kasama sa magbubukas ng registrati­on ang Marawi City, na isinasaila­lim pa rin sa rehabilita­syon.

Nabatid na ang voter’s registrati­on ay hanggang sa Setyembre 29, 2018 lang.

Inihayag din ni Jimenez na hanggang Setyembre 30, 2018 naman makapagpap­arehistro ang mga overseas voters.

Samantala, sinabi ni Jimenez na suspendido pa rin hanggang ngayon ang pag-iimprenta ng Comelec ng voter’s ID, kaugnay ng napipinton­g pagpapatup­ad ng National ID System ngayong taon.

Sa ilalim ng National ID System, magiisyu ang gobyerno ng iisang ID na lamang na magagamit ng publiko sa lahat ng transaksiy­on sa pamahalaan.

Nilinaw naman niyang maaari pa ring makaboto ang registered voters kahit walang voter’s ID.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines