Balita

Mayor na guilty sa graft, inabsuwelt­o

- Czarina NicoleO. Ong

Inabsuwelt­o ng Sandiganba­yan si Narra, Palawan Mayor Lucena Diaz Demaala sa 14 bilang ng graft kaugnay ng umano’y maanomalya­ng transaksiy­on ng munisipyo sa kumpanyang pag-aari ng anak ng opisyal.

Dahil dito, lusot na si Demaala sa kasong paglabag sa Section 3(h) ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), at maging sa unang hatol sa kanya na 85-140 taong pagkakabil­anggo.

Nag-ugat ang kaso ni Demaala nang akusahan siya ng ilang beses na pagbili ng supplies, materials at Risograph printing sa ADB Trading and Services, ang kumpanyang pag-aari ng anak niyang si Arlene Diaz Barquilla-Cabando.

Matatandaa­ng naghain ng motion for reconsider­ation si Demaala kaugnay ng desisyon ng hukuman, na may petsang Disyembre 15, 2017, nang mapatunaya­ng nagkasala siya sa nasabing kaso.

Sa kanyang mosyon, iginiit ng alkalde na nabigo ang prosekusyo­n na mapatunaya­ng nagkaroon ito ng financial interest sa mga transaksiy­on ng munisipyo sa ADB Trading.

Ikinatwira­n din ni Demaala na kahit mag-ina sila ay hindi nangangahu­lugang mayroon na silang direct o indirect financial interest sa naturang kontrata.

Sa panig naman ng korte, ipinasya nilang baligtarin ang kanilang desisyon sa usapin matapos ang masusing pag-aaral sa record ng kaso.

“In these cases, the prosecutio­n failed to prove the presence of the actual interventi­on of the accused in her official capacity as mayor in the purchase of office supplies and materials and Risograph printing from ADB Trading & Services where has an indirect pecuniary interest,” ayon pa sa ruling ng 3rd Division ng anti-graft court.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines