Balita

Messi, sakit sa ulo ng France

-

KAZAN, Russia (AP) — Tulad ng ibang mga koponan na haharap sa Argentina, isang malaking katanungan sa France ang napipinton­g pakikibaka kay Lionel Messi: Paano mapipigil ang five-time world player of the year?

Ngunit, ngayon pa lamang, may kasagutan na ang France sa kanilang karibal sa World Cup: Diskarte nina Raphael Varane at Samuel Umtiti.

Kulang sa gilas ang opensa ng France, haharapin ang Argentina para sa quarterfin­als slot sa Sabado (Linggo sa Manila) sa Kazan, ngunit, kahnaga-hanga ang kanilang depensa, sa pangunguna ng dalawang Spanish league superstar.

Kabisado ni Umtiti ang diskarte ni Messi matapos silang magsama sa pagsasanay sa Barcelona, habang matagal nang karibal ni Varane, regular starter sa Real Madrid, sa laban si Messi sa mahabang panahon.

“I see him every day. It is very hard to stop him,” pahayag ni Umtiti. “He’s got outstandin­g qualities.”

Ayon kay France coach Didier Deschamps, malaki ang maitutulon­g ng dalawa para magapi ang two-time champion.

“Hopefully I can give you a positive answer after the game,” sambit ni Deschamps. “Knowing him from the Spanish league will not make the difference, but having played against him, similar situations could repeat themselves.”

Malamya rin ang naging kampanya ni Messi, bago dumating ang tikas sa 2-1 panalo kontra Nigeria.

“He is different with Argentina than with Barcelona,” sambit ni Umtiti.”He does not have the same players with him, and their way of playing is different but he has saved them on several occasions.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines