Paez, liyamado sa PECA Kiddies tilt
NAKATUTOK ang lahat kay Philippine chess wizard Alexandra Sydney Paez na isa sa paboritong kalahok sa pagtulak ng Philippine Executive Chess Association (PECA) Kiddies Chess Championship nitong weekend sa Activity Center ng Alphaland Makati Place sa Makati City.
Ayon kay Philippine Executive Chess Association (PECA) president Atty. Cliburn Anthony Orbe, tatangap ang magkakampeon ng P3,000, nakalaan sa runner-up place ang P2,000 habang may P1,000 naman sa ika-3 puwesto. Tig P7,00 at P500 naman sa ika-4 hanggang ika-5 puwesto.
May matatangap na tig P500 sa mga category winners para sa boys at girls sa top lady, top U-12, top U-10, top U-8 at top U-6.
Samantala, isasagawa din ang 6th leg ng Alphaland National Executive Chess Championship, gayundin ang Alphaland Open Chess Championship sa nasabing lugar.
Si Alexandra Sydney, ang Cabuyao at Calamba Junior Girl Champion na top player ni Mayor Atty. Rommel “Mel” A. Gecolea, ang two-time Champion sa pamosong Golden Mind Under 14 Kiddie Chess Tournament sa Lipa City, Batangas, Gold Medalist din sa high school girls division ng NCAA South at nag second over-all sa 2018 National Age-Group Chess Championships (Visayas Leg) na ginanap sa City Mall, Kalibo, Aklan nitong Enero.
Ang 13-anyos na si Alexandra Sydney, anak ni Philippine Executive Chess Association (PECA) Public Relation Officer (PRO) Dr. Alfred Paez na incoming Grade 9 student ng Colegio de San Juan de LetranCalamba ay nakatakda ring lumahok sa World Youth Chess Championships 2018 na gaganapin sa Porto Carras, Halkidiki, Greece sa Northern coast ng Aegean Sea sa Oktubre 19-31.