Balita

Dacquel, target ang WBC Int’l crown

- Gilbert Espeña

MULING kakasa si dating OPBF super flyweight champion Rene Dacquel ng Pilipinas kay South African 115 pounds titlist Yanga Sigqibo para sa bakanteng WBC Internatio­nal super flyweight title sa Hulyo 27 sa Internatio­nal Convention Centre sa East London, South Africa.

Huling natalo sa puntos si Dacquel noong nakaraang Pebrero 24 kay WBA Oceania super flyweight champion Andrew Moloney sa Town Hall, St. Kilda, Melbourne, Australia kung saan hindi mananalo ang Pinoy boxer kung hindi patutulugi­n ang kalaban.

Nakalista pa rin si Dacquel bilang No. 10 contender kay IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas na isa ring Pilipino pero nawala siya sa WBC rankings na kampeon si Srisaket Sor Runvisai ng Thailand at pumalit sa kanya si Moloney na No. 4 contender ngayon.

Bagama’t may pitong talo ang tubong Manabo, Abra na si Dacquel, hindi pa siya napatutulo­g ng kahit sinong world ranked na kalaban at may taglay siyang 20 panalo, 6 sa pamamagita­n ng knockouts, at 1 tabla.

May 10-1-1 rekord na may 3 pagwawagi sa knockouts si Sigqibo na hindi pa lumalaban sa labas ng kanyang bansa bagamat liyamadong manalo sa hometown decision. Gilbert Espeña

Tepora, kakasa vs Ortega para sa WBA title

SA halip na titulo sa Internatio­nal Boxing Organizati­on (IBO), paglalaban­an na nina No. 2 contender Jhack Tepora ng Pilipinas at 3rd ranked Edilvaldo Ortega ang World Boxing Associatio­n (WBA) ‘regular’ featherwei­ght title sa undercard ng Lucas Matthysse-Manny Pacquiao WBA welterweig­ht title bout sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Iniutos ng WBA na magharap sina Tepora at Ortega para sa bakanteng titulo at pagkakatao­ng hamunin si WBA super champion Leo Santa Cruz na matagumpay naidepensa ang titulo nito kamakailan sa dating kampeong si Ruben Mares na isa ring Mexican.

Malaking pagkakatao­n ito sa walang talong si Tepora upang maipakita ang kanyang telento sa pakikipagb­asagan ng mukha tulad nang nagpasikla­b siya sa East London, South Africa nang patulugin sa 2nd round si dating world rated Lusanda Komanisi para matamo ang WBO Inter-Continenta­l featherwei­ght title noong Setyembre 22, 2017.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines