Balita

Hepe, 3 tauhan sibak sa pagkamatay ng tambay

- Ni ALEXANDRIA DENNISE SAN JUAN

Apat pang pulis-Quezon City, kabilang ang isang opisyal nito, ang sinibak sa kanilang puwesto kaugnay ng pagkasawi ni Genesis “Tisoy” Argoncillo, kamakailan.

Kabilang sa sinibak ni Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Joselito Esquivel, sina precinct commander Senior Insp. Cyrill Dagusen, PO1 Ruel tubat, PO1 Paulo Lopez, Jr. at PO1 Paul Hector Calderon, sa Novaliches police station.

Sa isang press conference sa Quezon City, ipinatupad ni Esquivel ang pagsibak sa apat dahil sila ang nasa likod ng pag-aresto kay Argoncillo sa reklamong alarm and scandal.

Pansamanta­la inilipat ang mga ito sa District Headquarte­rs Support Unit (DHSU) sa QCPD Headquarte­rs hanggat hindi pa natatapos ang imbestigas­yon sa kanilang kaso.

Aniya, nagsagawa na rin sila ng pre-charge evaluation laban sa apat na pulis upang madetermin­a kung may pananaguta­n sila sa kasong administra­tibo sa pagkakadak­ip kay Argoncillo.

Nitong nakaraang linggo, sinibak na rin ni Esquivel si Novaliches Police Station commander, Supt. Carlito Grijaldo at sina duty jailer PO3 Dennis Saño, Desk Officer SPO3 Ronald Nañola, Staff Duty Officer (SDO) Inspector Oliver Dela Cruz, at Shift Patrol Supervisor (SPS) SPO4 Valerio Perez.

Matatandaa­ng binawian ng buhay si Argoncillo matapos magreklamo na nahihirapa­ng huminga noong umaga ng Hunyo 19.

Sa autopsy, natuklasan na binugbog si Argoncillo habang siya ay nasa loob ng kulungan at binawian ng buhay dahil sa pagnanakal, pinsala sa ulo, dibdib at iba pang bahagi ng kanyang katawan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines