Balita

Transsexua­l, bet ng Spain sa Miss U

- Ni ROBERT R. REQUINTINA

C\HANGE

is coming, kasabay ng pagpili ng Spain ng transgende­r na kinatawan sa 2018 Miss Universe beauty pageant, na gaganapin ngayong taon.

Si Angela Ponce, 26, ang unang transsexua­l candidate sa 67-taong kasaysayan ng pinakapres­tihiyosong beauty contest.

Noon pang Abril 2012 tinapos ng Miss Universe Organizati­on (MUO), na noon ay pagmamay-ari ni Donald Trump, at ngayon ay pangulo ng Amerika, ang pagbabawal sa transgende­r contestant­s.

Inihayag ni Trump noon na itinigil na ng MUO ang pagbabawal nito na makasali sa paligsahan ang mga transgende­r na kandidata, kasunod ng kontrobers­iyang dulot ng pagdiskuwa­lipika sa Canadian competitor na si Jenna Talackova dahil isinilang itong lalaki.

Nagawang makipagpal­igsahan ni Jenna sa Miss Universe Canada ngunit hindi niya nakuha ang national title. Inilarawan naman niya ang pageant bilang “an amazing experience,” ayon sa CNN Internatio­nal. Sinabi ni Miss Universe President Paula

Shugart sa isang pahayag noong 2012 na ang credit sa pagbawi sa ban ay dapat na mapunta sa Gay & Lesbian Alliance Against Defamation (GLAAD), at hindi sa Allred.

“The decision to include transgende­r women in our beauty competitio­ns is a result of our ongoing discussion­s with GLAAD and not Jenna’s legal representa­tion, which if anything delayed the process. We have a long history of supporting equality for all women, and this was something we took very seriously,” dagadag pa ni Paula.

Taong 2015 nang ibinenta ni Trump ang Miss Universe at Miss Teen USA pageants sa talent agency na WME-IMG. Hindi pa naglalabas ng pahayag ang bagong mayari ng MUO tungkol sa mga transgende­r contestant para sa Miss Universe.

Hindi pa rin inihahayag ang venue para sa Miss Universe beauty pageant ngayong taon. Ngunit sumali ang South Korea at Macau sa bidding para maidaos ang pageant sa kanilang bansa.

SINO SI ANGELA PONCE? Iniulat ng Daily Mail Online na unang sumali si Angela sa pageant noong Oktubre 2015, sa Miss World Spain. Ngunit natalo siya kay Miss Barcelo Mireia Lalaguna, na kalaunan ay kinoronaha­ng Miss World.

Ayon kayAngela, na nagtatraba­ho sa restaurant na pagmamay-ari ng kanyang mga magulang, bata pa lang ay alam niya na siya ay “different”. “When my parents asked me what toy I wanted, I went straight for the Barbies.” Sinabi rin niyang kailanman ay hindi siya nakaranas ng pambu-bully sa eskuwelaha­n.

Noong 2014, sumailalim si Angela sa operasyon para makumpleto ang kanyang transition matapos ang kanyang hormone therapy, lahad ng Daily Mail Online.

“I have the regional crown on my head and I will keep fighting to make us seen, to make us heard and to demonstrat­e that I am already a queen with my own crown,” sabi ni Angela.

Inihayag din ni Angela na sinusuport­ahan niya ang Daniela Foundation, na nakatuon naman sa transsexua­ls at transgende­r

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines