Balita

Paghahati sa Palawan, lusot sa Kongreso

- Charissa M. Luci-Atienza

Inaprubaha­n na ng House Committee on Local Government ang panukalang batas na naglalayon­g hatiin ang isla ng Palawan sa tatlong probinsiya.

Ipinasa ng komite, na pinamumunu­an ni South Cotabato at General Santos City Rep. Pedro Acharon, ang House Bill 7413 na inihain nina Palawan Reps. Franz Alvarez, Frederick Abueg at Gil Acosta.

“The proposed division of Palawan into three provinces will be able to bring closer expanded services to areas not previously served. Resource management and delivery of basic public services will be more efficient as more government officials, both elected and appointed, will work on programs for the betterment of their constituen­ts,” ayon sa may akda ng panukala.

Sa ilalim ng House Bill 7413, hahatiin ang isla para sa pagbuo ng probinsiya ng Palawan del Norte, Palawan Oriental, at Palawan del Sur. Ang Palawan del Norte ay bubuohin ng mga bayan ng El Nido, Taytay, Coron, Linapacan, Culion, at Busuanga. Habang ang Palawan Oriental ay kabibilang­an ng San Vicente, Roxas, Dumaran, Cuyo, Agutaya, Magsaysay, at Cagayancil­lo. At magiging kabilang sa Palawan del Sur ang mga bayan ng Kalayaan, Aborlan, Narra, Sofronio Española, Brooke’s Point, Rizal, Quezon, Bataraza, at Balabac.

Iminumungk­ahi rin sa HB 7413 ang pahahati ng mga susunod na Internal Revenue Allotment ( IRA) para sa tatlong bagong probinsiya, base sa lawak ng lugar at populasyon nito.

Ayon kay Alvarez, pinapayaga­n ng Konstitusy­on ang paghahati sa pagbuo ng bagong mga probinsiya.

Kasabay ng pagbanggit ng Local Government Code, sinabi niyang ang isang probinsiya ay maaaring hatiin, pagsamahin o tanggalin sa pamamagita­n ng aksiyon ng Kongreso at sa pagapruba ng mayorya ng boto mula sa isang plebesito na isinagawa ng Commission on Elections ( Comelec) sa LGU na dapat isagawa sa loob ng 120 araw mula sa panahon ng pagpapatib­ay sa panukala.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines