Balita

Marian buntis? ‘I hope meron na!’

- Marian Ni NORA V. CALDERON

MASmaganda at wala talang kupas ang beauty ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang humarap siya sa media conference para i-launch ang tatlong bagong variants ng Hana Shampoo, na tatlong taon na niyang ini- endorse. Ginanap ang launch sa Manila House Private Members sa Bonifacio Global City (BGC).

Kasunod nito ang paglolaunc­h din ng bago niyang TVCommerci­al, na ang concept ay kay Marian din, at tiyak na ang gagamit ng Hana Shampoo ay masasabiha­ng “Amoy Marian.”

Siyempre pa natanong kay Marian sa open forum kung kailan nila susundan ng asawang si Dingdong Dantes ang unica hija nilang si Letizia or Baby Zia?

“To be honest, working on it. I hope... meron na, sana!” tawa ni Marian.

Basta raw healthy, walang problema sa kanya kung boy or girl ang susunod nilang maging anak. Pero kung papipiliin daw sila ay mas gusto nila ang baby boy, dahil may baby girl na nga sila. At kahit si Zia, kapag tinanong kung ano ang gustong kapatid ay “baby brother!” daw ang laging sagot nito.

Tungkol naman sa bago niyang sisimulang teleserye sa GMA 7, sinabi ni Marian na baka matagalan pa ito, dahil mauunang gumawa ng teleserye sa kanya si Dingdong. Hindi raw nila talaga puwedeng iwan si Zia sa bahay nang wala ang isa sa kanila, naaawa raw sila sa bata.

“Pero baka muli akong idirek ni Dong sa isang project sa GMA, dahil naging successful ang actressdir­ector tandem namin sa first anniversar­y episode ng hinohost kong drama anthology every Saturday, tungkol sa lives ng mga kababayan nating nagtatraba­ho abroad, ang Tadhana,” ani Marian.

Bukod sa Tadhana , napapanood din si Marian every Sunday sa noontime variety show na Sunday PinaSaya.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines