Balita

Vice Ganda, si Dingdong Dantes ang leading man?

- VIC IDIDIREK NI COCO Reggee Bonoan

SA

announceme­nt nitong Biyernes ni Metro Manila Developmen­t Authority (MMDA) Chairman Jojo Garcia ng unang apat na pelikulang kasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 ay iisa ang komentong narinig namin sa presscon. “Vice Ganda versus Coco Martin at Vic

Sotto na, dati silang tatlo magkakalab­an.” May naulinigan din kaming iba: “May laban si Anne ( Curtis). Remember, patok ang horror ‘pag MMFF.”

Anyway, base sa 24 scripts na isinumite sa MMFF selection committee, sa pangunguna ng National Artist na si Bienvenido

Lumbera, napili ang apat na pelikula base sa apat na criteria: artistic excellence – 40%, commercial appeal - 40%, Filipino cultural sensibilit­y - 10%, at global appeal - 10%.

Ang naunang apat na pelikulang napili ay ang Aurora (horror/thriller, Viva Films), s), na pinagbibid­ahan ni Anne Curtis sa direksiyon siyon ni Yam Laranas; ang The Princess, The Prince rince

and The Perya (fantasy/comedy-ABS-CBN CBN Production­s, Inc./ Viva Films), starring ring Vice Ganda, Maris Racal, Loisa Andalio, alio, at Maymay Entrata, sa direksiyon ni Barry Gonzales. Pasok din ang Girl in the Orange ange Dress ( romance, Quantum Films/ MJM Production­s), na tatampukan nina Kim Chiu, Jessy Mendiola, Jericho Rosales, Keith Thompson, Tom Rodriguez at Sam Milby, ilby, mula sa direksiyon ni Jay Abello; at Popoy En Jack The Pulis Credibles (action comedy, medy, CCM Film Production/MZet Production/ ion/ APT Entertainm­ent) nina Vic at Coco, o, na ang huli mismo ang direktor bilang Rodel Nacianceno. Ang apat pang pelikula ay ihahayag ayag naman sa Setyembre 21, 2018, habang Agosto gosto 31 naman ang due para sa scripts for short films category. Curious kami kung solo ni Coco ang pagdidirek ng pelikula nila ni Vic, at paano napapayag ang huli na wala na sina Direk Marlon Rivera at Tony Y. Reyes, na parehong paborito niya.

Well, sabi nga, showbiz is show business at weather-weather lang ‘yan. Samantala, pahulaan naman kung sino ang leading man ni Vice bilang si Prince, dahil walang binanggit na pangalan. Pero may sitsit na si Dingdong

Dantes ang napipisil ng TV host para maging leading man.

Nang itanong naman ito kay Dingdong ay sinabi niyang wala pa siyang offer, pero kung iaalok sa kanya ay tatanggapi­n niya. Kapag nagkataon ay goodbye muna sa drama ang Kapuso actor.

 ?? Vice at Dingdong ??
Vice at Dingdong
 ?? Vic at Coco ??
Vic at Coco

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines