Balita

Tunay na ina ni Ryan, kikilalani­n na sa ‘KMJS’

-

ALAMIN ngayong Linggo sa Kapuso

Mo Jessica Soho kung matatapos na ang paghahanap ni Ryan Mendoza sa kanyang tunay na ina, na umano’y nagbenta sa kanya noong sanggol pa lang siya.

Sa ikaanim na bahagi ng seryeng “Ibinenta Ako ng Aking Ina”, lumipad mula Italy si Ryan upang personal na alamin kung sino kina Maritess Tolentino at Gina Castillo ang tunay niyang ina.

Totoo kayang ibinenta siya sa isang fish vendor, na pinaninind­igan ni Gina? O tunay kayang hindi siya ibinenta at kinuha lang siya ng kanyang kapitbahay, batay naman sa kuwento ni Maritess? Matatapos na kaya ang paghahanap ni Ryan?

Samantala, alamin ang dahilan kung bakit lumaylay ang kalahati ng malaanghel na mukha ng taga-Davao del Norte na si Angelica.

Sa Leyte naman, tunghayan ang love story ng beking si Junrell at ng lesbian na si Amore, na nagpakilig at nagpabaliw sa maraming tao.

Samahan din si Jessica sa isang food trip na siguradong swak sa inyong panlasa ngayong tag-ulan: mga lugawan! Kilalanin din ang viral star na si

Christian, na nagpabilib at nagpatawa sa mga netizens dahil sa kanyang ginintuang boses...at mali-maling lyrics.

Sa Zamboanga del Norte, alamin ang katotohana­n sa likod ng isang babaeng iginigiit na birhen pa siya sa kabila ng kanyang pangangana­k. Huwag palampasin ang Kapuso Mo, Jessica Soho, ngayong Linggo, pagkatapos

ng Lip Sync Battle Philippine­s sa GMA-7.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines