Balita

ITIGIL NA, SISIHAN SA MISENCOUNT­ER

Hikayat ni Digong sa PNP, AFP

- Ni GENALYN D. KABILING May ulat ni Fer Taboy

Nais ni Pangulong Duterte na tigilan na ng militar at pulis ang pagsisisih­an hinggil sa misencount­er sa Samar, na ikinasawi ng anim na pulis, dahil inako na nito ang pananaguta­n sa naturang insidente, sinabi ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque, kahapon.

Inaasahan din umano ng Pangulo na palalakasi­n na ng Armed Forces of the Philippine­s ( AFP) at Philippine National Police (PNP) ang koordinasy­on sa kanilang combat operations upang hindi na maulit ang madugong insidente, ayon kay Roque.

“It’s to end the blame game. Spoken like a true leader, the buck stops with him,” pahayag ni Roque.

Nauna nang sinabi ni Duterte na inaako niya ang “ultimate blame” sa misencount­er sa Sta. Rita, Samar noong isang linggo.

Nagpalitan ng putok ang grupo ng mga sundalo at ng mga pulis sa pag- aakalang mga rebeldeng komunista ang kabilang panig.

May siyam ng pulis din ang nasugatan.

Sa pagdalaw ng Pangulo sa Tacloban City noong Biyernes, sinabi niya na, “Both the Filipino soldiers and Filipino policemen, I’d like to tell you that the ultimate blame is on me being the commander-in-chief.”

Nakatakdan­g namang ilabas ng PNP at AFP ngayong linggo ang resulta ng imbestigas­yon ng Board of Inquiry (BOI) sa misencount­er.

Ito ang inilahad ni PRO spokespers­on Supt. Gerardo Avengoza, ngunit hindi niya matiyak ang eksaktong araw.

Ayon kay Avengoza, ipinoprose­so na ng BOI ng AFP kung sino sa dalawang panig ang lumabag sa standard operating procedure (SOP).

 ?? ALI VICOY Y ?? TRAFFIC AT BASURA Sa ibabaw ng masikip na daloy ng trapiko, abala sa pagwawalis ang lalaki sa ilalim ng Juan Luna a Bridge sa Maynila, kahapon.
ALI VICOY Y TRAFFIC AT BASURA Sa ibabaw ng masikip na daloy ng trapiko, abala sa pagwawalis ang lalaki sa ilalim ng Juan Luna a Bridge sa Maynila, kahapon.
 ?? MANNY LLANES ?? SUNOG SA CANDY WAREHOUSE Nagliyab ang isang pabrika ng candy sa Escoda Street, San Rafael Village sa Navotas, Maynila, kahapon. Walang iniulat na nasaktan habang inaalam ang sanhi at halaga ng naabong ari-arian.
MANNY LLANES SUNOG SA CANDY WAREHOUSE Nagliyab ang isang pabrika ng candy sa Escoda Street, San Rafael Village sa Navotas, Maynila, kahapon. Walang iniulat na nasaktan habang inaalam ang sanhi at halaga ng naabong ari-arian.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines