Balita

Public telcos, dapat available all the time —De Lima

- Leonel M. Abasola

Iginiit ni opposition Senator Leila de Lima na dapat bukas ang lahat ng public telecommun­ication companies sa lahat ng oras, lalo na sa malalayong lugar, upang magiging aktibo ang ugnayan ng mamamayan ng bansa.

Hiniling din ng senador sa pamahalaan na buksan sa publiko ang lahat ng website ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang mapakinaba­ngan din ito ng publiko.

“With technology rapidly changing our social and economic landscape, it has now become imperative for the government to ride the tide of technologi­cal advancemen­t in order to provide a more efficient, safer, and equitable public service,” bahagi ng Senate Bill (SB) No. 1852 na isinusulon­g nito.

Aniya, sa pamamagita­n nito ay mapapabuti ang ugnayan ng mga mamamayan at magiging aktibo rin sila sa pagiging kritiko sa lipunan.

Kahit naisabatas na ang “Free Internet Access in Public Places Act” may mga lugar pa rin sa bansa, lalo na sa kanayunan, ang walang ugnayan sa ating government agency.

Layunin, aniya, ng “Free Access to Government Websites Act” na maging kapaki-pakinabang ang mga mamamayan sa ating pamahaaan.

Iminungkah­i rin nito na dapat tutukan ng Department of Informatio­n and Communicat­ions Technology (DICT) ang isinusulon­g na panukala.

Mahaharap din sa P1 milyon multa, hindi hihigit sa P10 milyon, ang mga public telecommun­ications company na lalabag sa panukala bukod pa ang suspensiyo­n ng lisensiya ng mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines