Balita

‘Grow, Grow, Grow’ kasabay ng ‘Build, Build, Build’

-

NALALAPIT na ang pagsisimul­a ng programang “Build, Build, Build” ng pamahalaan, kasabay ng 76 na pangunahin­g proyekto na aprubado na ng administra­syong Duterte. Ang bagong Mactan Internatio­nal Airport, na bagamat sinimulan ng dating administra­syon, ay binuksan kamaikalan sa pangunguna ni Pangulong Duterte nitong Hunyo 7, na hudyat na sa darating na mga buwan at taon masisimula­n na ang 76 na naglalakih­ang proyekto sa buong bansa.

Kabilang sa mga naaprubaha­ng proyekto ang 32 kalsada at tulay, 10 pagkukunan ng tubig at proyektong irigasyon, siyam na daang-bakal, anim na paliparan, limang flood control project, apat na pantalan, apat na power plant, tatlong rapid bus transit at tatlong urban developmen­t program.

Magsisimul­a ang konstruksi­yon ng siyam na proyekto sa kalagitnaa­n ng taon, na nagsimula kahapon, Hulyo 1. Ito ang P4.61 bilyong proyekto ng Binondo-Intramuros Bridge, ang P1.37 bilyong Estrella-Pantaleon Bridge, kapwa sa Metro Manila at pinondohan ng China; ang P4.37 bilyong Chico River Irrigation Project; ang P35.26 bilyong Tagum-Davao-Digos project na bahagi ng Mindanao Railway; ang P4.86 bilyong Panguil Bay Bridge, na mula sa pondo ng Korea Official Developmen­t Assistance (ODA); at ang P1 bilyon para sa pagsasaayo­s ng pader at kanal sa ilog Pasig mula Delpan hanggang Napindan Channel. Nariyan din ang tatlong public-private partnershi­p project- ang P1.78 bilyong government center, ang P850 milyong commercial center at ang P3.33bilyong housing center sa Clark City.

Habang ang ilan sa mga proyektong ito ay pinondohan mula sa tulong at pautang ng China at Korea kasama ang iba pang pribadong pamumuhuna­n, ang mga pondo sa susunod na limang taon na nagkakahal­aga ng P786 bilyon ay manggagali­ng sa pondo ng pamahalaan, sa ilalim ng Department of Public Works and Highways at ang Department of Transporta­tion, kasama ang pondong mula sa Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion Act (TRAIN) na inaprubaha­n kamakailan.

Sa kabila ng paglulunsa­d ng malawakang programang pang-imprastruk­tura na maaaring maging pangunahin­g pamana ng administra­syong Duterte, umaasa tayo na hindi mapapabaya­an ng pamahalaan ang isang sektor para sa pambansang pag-unlad, ang sektor ng agrikultur­a. Nitong Miyerkules, hinikayat ni Sen. Juan Edgardo Angara ang administra­syong Duterte na bumuo ng plano para sa pagbuhay ng humihinang agrikultur­a ng bansa.

“We may be exhibiting among the fastest growth rates in the world today, but such growth would be fo nothing if it doesn’t reach our farmers and fisherfolk,” aniya. Ipinunto ni Angara na 60 porsiyento ng mahihirap na Pilipino ngayon ay mula sa sektor ng agrikultur­a.

Nasa proseso na ang programang “Build, Build, Build” ni Pangulong Duterte. Magiging mahalaga ito hindi lamang para sa bansa , kundi gayundin sa mga mamamayan, lalo na sa mga nasa sektor ng agrikultur­a, kung magkakaroo­n ng “Grow, Grow, Grow” kasabay ng programa, mula na rin sa hikayat ni Senador Angara at iba pang opisyal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines