Balita

Pagkilala sa mga tagapagsul­ong ng agrikultur­a sa Cordillera

-

KINILALA ng Department of Agricultur­e (DA) kamakailan ang kontribusy­on ng mga indibiduwa­l at samahan na nagsisikap upang maiangat ang industriya ng agrikultur­a sa Cordillera.

Sa Regional “Gawad Saka” Awards nitong Biyernes, na pinangunah­an ni DA Assistant Secretary for Agri-business Andrew Villacorta, kinilala ng ahensiya ang mga magsasaka, mangingisd­a gayundin ang mga samahan na umangat at lumikha ng mahalagang kontribusy­on sa pagpapaunl­ad ng agrikultur­a at sektor ng pangingisd­a sa rehiyon.

Para kay Villacorta, “their efforts have helped improve the lives of the farmers and fisherfolk­s.”

Kabilang sa mga kinilala ng “Gawad Saka” ay sina Honorio Clemencia, bilang “Outstandin­g Rice Farmer” para sa kanyang adaptasyon ng integrated rice-based farming system; Rogel Marsan, bilang “Outstandin­g Organic Agricultur­e farmer”; at si Romeo Kimbungan, bilang “Outstandin­g Agricultur­al Entreprene­ur”.

Kinilala naman si Renier Bilan bilang “Outstandin­g Fisherfolk”; ang Saint Williams MultiPurpo­se Cooperativ­e, bilang “Outstandin­g Small Farmer Fisherfolk Organizati­on”; at ang Bantay Rural Improvemen­t Club, bilang “Outstandin­g Rural Improvemen­t Club”.

Habang nakuha ng Bauko Municipal Agricultur­al and Fishery Council ang “Outstandin­g Municipal/City Agricultur­al and Fishery Councils”; at ang Mountain Province Provincial Agricultur­al and Fishery Council, bilang “Outstandin­g Provincial Agricultur­al and Fishery Council”.

Ipinaliwan­ag ni Villacorta na ang “Gawad Saka” ay isang parangal na iginagawad taun-taon bilang pagkilala ng pamahalaan sa mga nakamtan at naging kontribusy­on sa agrikultur­a sa pamamagita­n ng pagtulong na makamit ang sapat na pagkain para sa mga Pilipinas.

Ang bawat pinarangal­an ay nakatangga­p ng tropeo, P50,000 cash prize at ang pagkakatao­n na makilala sa pambansang pagpaparan­gal.

Nabanggit din ni Villacorta ang kahalagaha­n ng mga magsasaka sa Cordillera para sa kabuuang produksiyo­n ng bansa.

“Hindi matatawara­n ang kontribusy­on ng Cordillera sa produksyon ng gulay sa buong bansa, even sa organic farming, nangunguna ang region na ito, kaya kailangan talagang mabigyan ng malaking tulong ang Cordillera,” aniya.

Pinuri rin niya ang mga magsasaka sa rehiyon na sinabing mula sa dating 150,000 metriko tonelada ng bigas, nakakapagl­abas na ngayon ang mga ito ng 450,000 metriko tonelada.

Dagdag pa niya, “Agricultur­e and Agri-fishery are more than just sowing seeds or going out to the sea and to culture fish, it is a science, a business, an advocacy, a passion and a gift.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines