Balita

Ayuda sa minimum wage earners pinaplants­a

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Pinaplants­a na ng pamahalaan ang panukalang pagbibigay ng buwanang tulong pinansiyal sa mga minimum wage earners sa bansa, ayon sa Malacañang.

Ito ay matapos ang nakatakdan­g pagtalakay ng mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang proposed financial assistance na aabot sa P200.

Paliwanag Presidenti­al spokesman Harry Roque, ang nabanggit na panukala ay isinusulon­g ni Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Silvestre Bello III.

Ayon kay Roque, ang mungkahing ayuda ay maaaring talakayin ng mga Cabinet member bago ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Hulyo 23, upang madetermin­a kung isisingit ito sa proposed budget para sa 2019.

“So tingnan po natin kung anong mapagkakas­unduan. We will have one final Cabinet meeting before the SONA so baka ma-discuss po ‘yan at baka ma-include ‘yan sa budget proposal ng (so this could be discussed and be included in the budget proposal of) Malacañang,” ayon sa kanya.

Gayunman, nagpahayag pa rin ito ng pangamba dahil kapag ipinatupad ang programa ay kinakailan­gang magtaas na naman ng panibagong buwis ang pamahalaan.

“Kasi, siyempre, nagtataas tayo ng buwis dahil may mga proyekto na paggagastu­san pero kung magbibigay lang naman tayo ng benepisyo, ibig sabihin na naman niyan saan natin kukunin iyong ibibigay nating 200 pesos? So ibig sabihin tataas na naman iyong buwis ‘no so kailangan balansehin po,” paliwanag pa niya.

 ?? AFP ?? WASAK Tumilapon ang bubungang bahagi ng pampasaher­ong bus nang mahulog ito sa bulubunduk­ing bahagi ng Pauri Garhwal district ng Uttarakhan­d sa Northern India. Mahigit 40 ang nasawi.
AFP WASAK Tumilapon ang bubungang bahagi ng pampasaher­ong bus nang mahulog ito sa bulubunduk­ing bahagi ng Pauri Garhwal district ng Uttarakhan­d sa Northern India. Mahigit 40 ang nasawi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines