Balita

Arjo, mapapanood sa ‘Buy Bust’?

- Reggee Bonoan

SA wakas ay makakasama na si Arjo Atayde sa out of the country shows ni Maja Salvador.

Gaganapin ang tatlong show ni Maja sa Fox Theater, San Francisco sa Setyembre 8, sa Alex Theater Los Angeles sa Setyembre 9 at PH Cultural Center Virginia Beach sa Setyembre 14. Magiging guest si Arjo kasama sina Joseph

Marco, Vin Abrenica at Pooh. Ilang taon na rin kasi sa showbiz si Arjo pero ni minsan ay hindi pa siya napapasama sa mga out of town shows tulad ng TFC shows.

“Matagal na siyang isinasama noon pa, hindi lang puwede dahil sa schedules, noong kaputukan niya sa Ang Probinsyan­o may mga imbitasyon na hindi lang puwede. Tapos sinundan ng

Hanggang Saan,” paliwanag ng ina ng aktor na si Sylvia Sanchez. Pagkatapos naman ng Hanggang Saan ay ratsada na si Arjo sa shooting ng kanyang pelikula kasama sina Ketchup Eusebio at Joross Gamboa na may titulong ‘Tol. Mayroon pa raw ibang isinu-shoot ang aktor ngunit na nabanggit sa amin kung ano.

Anyway, may post si Arjo sa kanyang Facebook page nitong Sabado na sine-share niya ang full trailer ng pelikula ni Anne Curtis na Buy Bust.

Ang Caption ni Arjo, “First movie!!! HERE WE GO”, na halos lahat ng nabasa naming comments ay ‘congrats Idol’ na sinagot naman lahat ng aktor ng, “please do watch, Aug 1.”

Ibig sabihin, kasama ang aktor sa pelikulang Buy Bust? Bakit wala ang pangalan niya sa credits? At wala rin siya sa trailer?

Ni minsan ay hindi ito binanggit ni Arjo sa amin sa tuwing itinatanon­g namin kung ano ang mga pelikulang ginagawa niya.

Anyway, baka nga kasi maliit lang ang papel ng aktor sa Buy Bust, baka nga segundo lang siyang ipapakita kaya siguro hindi na siya nagkuwento dahil baka umasa pa kami o ang supporters niya.

Sa Agosto 1 na ang showing ng Buy Bust. Makakasama kaya si Arjo sa presscon ng pelikula o baka hindi rin kasi nga cameo role lang naman siya?

 ??  ?? Arjo
Arjo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines