Balita

Ika-54 na labas

- R.V. VILLANUEVA

PINAINOM

ng mainit na salabat ng magasawa ang kanilang anak na si Klaret na may diperensya sa pag-iisip upang mawala ang nararamdam­ang sakit sa tiyan.

“Sige anak, matulog ka na at magpahinga,” wika ni Aling Bening. “Pupunta na rin kami ng itay mo sa aming kuwarto!”

“At sundin mo ang bilin ni Tandang Egle na huwag magkikilos at maggagalaw para humigpit ng husto ang kapit ng anak mo sa iyong tiyan,” wika naman ni Mang Dalmacio.

“Opo, susundin ko ang inyong bilin,” sagot ni Klaret.

Matapos saglit na pagmasdan ang anak na nakahiga sa papag na kawayan, magkasunod na lumabas sila Mang Dalmacio at Aling Bening sa kuwarto ni Klaret. At tulad ng dating lalabas sa kuwarto ng anak na may diperensya sa pag-iisip hindi nila nalimutang kabigin ang upang iwanang nakasara ang pinto. Pagkapasok sa kanilang kuwarto, muling binuksan ni Aling Bening ang pinakiking­gang transistor radio at nahiga sa tabi ni Mang Dalmacio na nahiga na rin sa papag na kawayan. Ngunit hindi na kasinlakas ng dati ang tunog na nagmumula sa transistor radio dahil hininaan ni Aling Bening para marinig ang ingay na gagawin ng anak na nasa kabilang kuwarto kapag muling sumakit ang tiyan.Dahil tapos na ang dramang naglalahad ng mga kuwentong katatakuta­n, pinakingga­n naman nila Mang Dalmacio at Aling Bening ang programang naghahatid ng malamyos na tugtuging nagpapahay­ag ng pag-ibig. Awiting hindi lang nagbabalik sa mga alaala sa nagdaang panahon, kung hindi, naghahatid ng antok sa kanilangis­ipan.

“Hindi ko na mapigil ang hatak ng antok sa akin, Dalmacio,” wika ni Aling Bening.

“Ganoon din ako,” sagot ni Mang Dalmacio. “Siguro, puwede na tayong matulog ng mahimbing dahil walang nililikhan­g ingay si Erlinda para ipaalam sa ating muling sumakit ang tiyan!”

“Baka tuluyan ng gumaling ang sakit ng tiyan niya,” wika ni Aling Bening. “Minsan, talagang mabisang gamot ang mainit na salabat!”

“Sana nga,” sagot ni Mang Dalmacio. “Dahil kapag muling sumakit ang tiyan ng ating anak, babalik na naman ang kaba ko sa sanggol na nasa kaniyang sinapupuna­n!”

“Ikaw lang ba?” Tanong ni Aling Bening. “Kahit ako, kinakabaha­n ng husto dahil unang apo natin ang nasa tiyan ni Erlinda.Hindi ko matatangga­p na may masamang mangyari sa kaniya!”

At tulad ng dati, bago tuluyang ipikit ang mata, pinatay ni Aling Bening ang transistor radio para tipirin ang enerhiya ng baterya para sa muli nilang pakikinig ni Mang Dalmacio ng paboritong programa. Saglit din nilang itinutok ang pandinig sa kuwarto ng anak na si Erlinda na tinatawag na Klaret ng mga kabarangay dahil sa diperensya sa pag- iisip para marinig kung dumadaing dahil sa muling pagsakit ng tiyan. Dahil walang anumang ingay na narinig na mula sa kuwarto ng anak, sabay na nakatulog ng mahimbing sila Mang Dalmacio at Aling Bening. Ngunit dahil sa may-edad na, madaling araw pa lang gising na sila at dahil nasa utak pa ang pagsakit ng tiyan ng anak na may diperensya sa pag-iisip, saglit nilang pinakingga­n kung may ingay na nagmumula sa kabilang kuwarto. Dahil walang narinig na ingay na nagmumula sa kuwarto ni Klaret, binuksan ni Aling Bening ang transistor radio at pinakingga­n nila ni Mang Dalmacio ang programang laan sa masiglang awitin at balita.

Matapos ang mahabang sandali ng pakikinig sa paborito nilang programa, sabay na bumangon sila Mang Dalmacio at Aling Bening para simulan ang ikot ng kanilang buhay sa kinaroonan­g liblib na barangay. Si Mang Dalmacio, dumakot ng palay sa sisidlang gawa sa dahon ng kalagimay para isabog sa lupa at tukain ng mga alagang manok. Si Aling Bening, tumuloy sa kusina para magluto ng almusal at dahil nasa isip pa ang nangyari sa anak ng nagdaang gabi, madalas sumusulyap sa nakasarado­ng kuwarto ng anak. Nang maluto ang almusal, kasunod si Mang Dalmacio, pumasok sila sa kuwarto ni Klaret na nananatili­ng mahimbing ang tulog sa papag na kawayan. Sapagnanai­s makapasok ang sikat ng araw sa kuwarto, lumapit si Aling Bening sa bintana para buksan. Dahil kabisado ang bahagi ng bahay na kinaroonan ng bintana,mabilis na dumako ang kamay ni Aling Bening sa kinaroonan ng trangka kahit kalat pa ang dilim sa kuwarto ni Klaret. Labis na nagulat si Aling Bening dahil wala na ang trangka kaya nakabuo ng hinalang may nagbukas o binuksan ang bintana ng nagdaang gabi.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines