Balita

Julia, request sa Vic-Coco movie

- Ni NITZ MIRALLES

SAunang pagkakatao­n, gaganap na pulis si Vic Sotto sa pelikula para sa Metro Manila Film Festival 2018 entry nila ni Coco Martin na Popoy En Jack The Puliscredi­bles.

Kundi kami nagkakamal­i ay first time ito ni Vic na pulis ang karakter, samantalan­g pulis na ang role ni Coco sa primetime teleserye niyang FPJ’s Ang Probinsyan­o.

Sa isang interview, nabanggit ni Coco na binubuo pa nila ang ibang cast at maraming adjustment­s na gagawin. May mga request na si Pauleen Luna ang gawing leading lady ni Vic at si Julia Montes naman ang ipareha kay Coco, para real-life leading ladies daw ang makakapare­ha ng dalawa.

Una nang kinumpirma ng Universal Records na kasama si Maine Mendoza sa Vic-Coco movie. Sa reaction ng manager ni Maine na si Rams David, tiyak nang may aabangan ang fans ni Maine sa taunang film fest.

Sa interview pa rin kay Coco, itinanggi niyang disappoint­ed siya sa boxoffice gross ng MMFF entry niya last year, ang Ang Panday. Napaulat na ang laki raw kasi ng inilabas na pera ni Coco mula sa kanyang CCM Production­s, pero more than P200 million lang ang bumalik sa kanya.

Muli ring nilinaw ni Coco na hindi sila nag- tandem ni Vic upang kalabanin ang kaibigan niyang si Vice Ganda, na may entry uli sa MMFF 2018.

Matatandaa­ng nanguna sa takilya noong nakaraang taon ang MMFF entry ni Vice na Gandarrapi­do: The Revenger Squad.

Ang maganda nito, mapo- promote ang Popoy En Jack sa Eat...Bulaga ng GMA-7. ‘Yun nga lang, katapat na naman nito ang noontime show ni Vice sa Dos, ang It’s Showtime.

 ??  ??
 ??  ?? Julia
Julia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines