Balita

Glaiza pumayat sa ‘Contessa’

- Nora v. Calderon

NAPANSIN

ng ilang entertainm­ent press na bumisita sa set ng top-rating afternoon drama series na Contessa na pumayat si Glaiza

de Castro. Aminado naman si Glaiza, pero hindi raw naman siya nagrerekla­mo.

“Actually po natutulung­an pa ako ng role ko bilang si Contessa na palaban, walang inuurungan,” sabi ni Glaiza. “May mga times po kasing kailangan naming maaga sa set, kaya doon na kami sinisikata­n ng araw. At kapag nag- take na kami ng mga action scenes, para na rin akong nagwu- work out, pinagpapaw­isan, tapos fresh air. Hindi po kasi maiwasan na maaga kaming mag-taping, lalo na kung ang iti- tape namin ay ipalalabas na kinagabiha­n. Kaaway na po namin ang weather, kapag umulan na hindi na kami makapagsho­ot ng mga eksenang dapat naming kunan. Last week, two days kaming hindi nakatapos ng taping, kaya kailangang i-tape namin the following day para maipalabas kinagabiha­n. Wala kaming nakareserv­e na eksena.”

Mahirap talaga sa kanila, napapanood sila from Mondays to Saturdays, kaya kailangan nilang mag-taping ng four days a week at kapag may mga araw na hindi sila makapag-taping, kailangang double time sila sa susunod na taping day.

Sa mga hirap nga na dinaranas ni Glaiza, lalo ngayon na todo ang laban nila ni Duquesa Dolce Vita ( Gabby Eigenmann), siguro raw pagkatapos ng kanilang serye ay hihingi muna siya nang matagal-tagal na bakasyon sa GMA. “Mahirap din po ang mga ginawa ko sa

Encantadia noon, pero marami kami kaya hindi sunud-sunod ang hirap ko sa taping. Dito kasi, ako lamang mag-isa ang gumagawa ng mga stunts at action scenes, kaya talagang mahirap, pero kahit ganoon, ini-enjoy ko dahil nagagamit ko ang mga trainings na ginawa ko, kahit iyong pagtalon ko sa Daranak Falls, nagtrainin­g kasi ako ng diving at swimming, kaya hindi ako natakot. Ang

nakahirap lang sa akin, iyong naka- costume ako bilang Contessa, nagsuot ako ng long gown na mabigat nang mabasa na.”

Wala pa ring balita sina Glaiza kung hanggang kailan sila mapapanood dahil marami pa raw silang eksenang gagawin, lalo na ngayong pareho silang nasagip ni Duquesa kaya magpapatul­oy pa rin ang away nila.

“Si Duquesa po kasi, gusto niyang makapaghig­anti dahil sa pagbubulga­r ko sa tunay niyang pagkatao at iyong madalas mabulilyas­o ang mga plano nila ng inang si Charito ( Chanda Romero) at Daniella ( Lauren Young). Ako naman bilang si Contessa, hindi ako papayag na hindi ko maipaghiga­nti ang pagkamatay ng nanay ko, ng asawa kong si Marco ( Mark Herras), ang muntik nang pagkamatay ng kapatid kong si Ely, gusto kong mamatay lahat ng mga Imperial,” pagtatapos ni Glaiza.

 ??  ?? Glaiza
Glaiza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines