Balita

Ika-55 labas

- R.V. VILLANUEVA

BUBUKSAN

sana ni Aling Bening ang bintana ng kuwarto ni Klaret ngubit nagtaka ito nang makitang wala na ang trangka ng bintana.

“Bakit?” Tanong ni Mang Dalmacio sa asawang natigil sa pagbukas ng bintana sa kuwarto ng anak na may diperensya sa pagiisip.

“Wala na ang trangka ng bintana,”sagot ni Aling Bening. “Hindi ko alam kung binuksan ni Erlinda o may nagbukas kagabi!”

“Baka hindi mo naitrangka,” wika ni Mang Dalmacio na nakatutok din ang paningin sa bintana.

“Tiyak kong itrinangka ko ito kagabi,” sagot ni Aling Bening. “Simula ng humiwalay si Erlinda ng tulugan sa atin, gabi-gabi ko na itong ginagawa kaya hindi ko malilimuta­n!”

“Baka tuluyang gumanda ang pakiramdam ni Erlinda, binuksan at pinagmasda­n ang buwan at mga bituin,” wika ni Mang Dalmacio. “Alam mo naman ang anak mo, gustong-gustong pagmasdan ang buwan at mga bituin kapag maaliwalas ang langit!”

“Sana, gano’n nga ang nangyari,” sagot ni Aling Bening na binuksan ang bintana sa paglalagay ng tukod na kawayan.

Dahil nabuksan na ang bintana, lumaganap ang liwanag ng sikat ng araw sa halos lahat ng sulok ng kuwarto ni Klaret. Sumilay sa labi ni Mang Dalmacio at ni Aling Bening ang matamis na ngiti dahil nakitang mahimbing na mahimbing ang tulog ng anak na may diperensya sa pag-iisip sa papag na kawayan. Magkasunod sanang lalabas ng kuwarto ang mag-asawa ngunit napatigil dahil sa nakitang bagay sa tabi ng natutulog na anak. Sa pagnanais na makitang mabuti ang bagay, lumapit ng husto si Mang Dalmacio at si Aling Bening sa natutulog na anak. At dahil sa pumasok na sikat ng araw, nakitang mabuti nila Mang Dalmacio at Aling Bening ang bagay na tumawag sa kanilang pansin ang nasa tabi ng anak na natutulog. Kakaibang dahon ang nakita ng mag-asawa sa tabi ni Klaret na dahil noon lang nila nakita, pinagmasda­ng mabuti. Sari-saring hinala at isipin ang naglaro sa utak nila Mang Dalmacio at Aling Bening habang pinagmamas­dan ang dahong nakapatong sa gilid ng papag ng kawayan.

“Bakit kaya nagkaroon ng ganitong dahon sa kuwarto ni Erlinda?” Tanong ni Aling Bening. “Imposiblen­g lumabas siya kagabi at kinuha ang mga dahong ito!”

“Talagang imposible ang sinasabi mong ‘yan, Bening,” sagot ni Mang Dalmacio. “May natitiyak akong pangyayari sa bagay na ‘yan!”

“Naglalaro na sa isip ko ang nasa isip mo,” wika ni Aling Bening na tulad ng asawa, nakatutok ang paningin sa kakaibang dahon.

“Iniisip mo rin bang dinala ng bonggo ang mga kakaibang dahong ito?” Tanong ni Mang Dalmacio.

“Gano’n na nga,” sagot ni Aling Bening. “Dinala ng bonggo ang dahong ‘yan dahil narinig ang daing ni Erlinda sa pagsakit ng tiyan!”

“Ibig mong sabihin, hindi lubusang napagaling ng salabat ang pananakit ng tiyan ni Erlinda?” Tanong ni Mang Dalmacio.

“Puwedeng gano’n ang nangyari,” sagot ni Aling Bening. “Hindi lamang natin narinig ang daing niya dahil mahimbing ang tulog natin!”

“Tama ang iniisip natin, Bening,” wika ni Mang Dalmacio. “Kaya paggising ni Erlinda, titiyakin natin kung tutuo ang iniisip natin sa mga kakaibang dahong ito!”

“Anong gagawin natin?” Tanong ni Aling Bening.

“Tatanungin natin si Erlinda kung saan nagmula ang mga dahong ito,” sagot ni Mang Dalmacio. “Hindi marunong magsinunga­ling ang anak natin kaya tiyak na malalaman natin ang gusto nating malaman!”

Bitbit ang kakaibang dahong natagpuan sa tabi ng anak na may diperensya sa pag-iisip na mahimbing pang natutulog, magkasunod na lumabas sa kuwarto sila Mang Dalmacio at Aling Bening. At dahil sanay silang uminom ng mainit na salabat sa umaga, tumuloy ang mag-asawa sa kusina para inumin ang likidong tiyak nilangmaga­nda ang epekto sa katawan. Habang umiinom ng salabat, paminsanmi­nsang binabasag nila Mang Dalmacio at Aling Bening ang katahimika­n sa pag-uusap sa kakaibang dahong nakuha sa tabi ni Klaret. Matapos ang saglit na pag-uusap sa dahon, muli nilang pagmamasda­n ito sa pagnanais malaman ang bagin, damo o kahoy na pinagmulan. Dahil natiyak nila Mang Dalmacio at Aling Bening na noon lang sila nakakita ng ganoongdah­on, pumitik sa isip nila ang nilikhang bonggo, ama ng ipinagbubu­ntis ni Klaret na nakatira sa bungaw malapit sa kanilang bahay.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines