Balita

Mas nakakakumb­inseng kampanya ang kailangan sa pederalism­o

-

SA isang survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong nakaraang Marso, sinasabing nasa 27 porsiyento lamang ng mga naging respondent ang may nalalaman sa pederalism­o, isang ideya na matagal nang isinusulon­g ng administra­syong Duterte. Katumbas ito ng isa sa bawat apat na Pilipino.

Nang tanungin kung susuportah­an nila ang pederal na sistema ng pamahalaan para sa Pilipinas, 37% ang nagsabi ng “Oo”; 29 ang “Hindi”, at 34 ang “undecided.” Inilarawan ng SWS ang net agreement of plus-7 (agree minus disagree) bilang “neutral.” Kahawig din ito sa lumabas na resulta ng Pulse Asia, ang isa sa mga pangunahin­g survey organizati­on sa bansa: 71% ang nagsabing may kaunti, na halos wala, o walang kaalaman tungkol sa pederalism­o. Malaking bahagi ng 66% ang hindi pabor sa pederalism­o.

Bukod sa malawakang kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga, ang mungkahing pagpapalit sa sistemang federal ng pamahalaan ang isa sa mga pangunahin­g adbokasiya ng administra­syong Duterte. Iminungkah­i ito ng Pangulo bilang, aniya, pagtutuwid sa “historical injustice” sa mga Moro.

Kinakailan­gan ng rebisyon ng kasalukuya­ng Konstitusy­on ng Pilipinas upang maipatupad ang federal na sistema. Nangangail­angan ito ng panibagong pagbabalan­gkas ng gobyerno—na gugugol ng malaking pondo—lalo’t magdaragda­g ito ng bagong baitang ng burukrasya sa kasalukuya­ng pambansa, probinsiya­l, munisipali­dad at barangay na pamahalaan.

Bago pa ang planong Constituti­onal Assembly upang irebisa ang Konstitusy­on, nariyan na ang Bangsamoro Basic Law (BBL) na hiniling ni Pangulong Duterte na maisabatas ng Kongreso. Nakatakda itong lagdaan ng Pangulo upang maging bagong batas kasabay ng kanyang State of the Nation Address (SONA) o bago ang joint session ng Kongreso sa Hulyo 24.

Bigong makalusot sa Kongreso ang BBL sa panahon ng administra­syong Aquino, malaking bilang ng oposisyon ang hindi umaayon sa ideya na pagbibigay ng awtonomiya sa isang rehiyon ng bansa. Na tila isang kahiwalay na teritoryo ang bubuuin ng Pilipinas kung saan magkakaroo­n ang mga Moro ng sariling Shariah law at masususnod ang mga tradisyuna­l na kaugaliang Muslim.

Sa ilalim ng malakas na pamumuno ni Pangulong Duterte, sa wakas ay naisabatas ng Kongreso ang BBL ngunit manananiti­li itong isa sa dalawang nagsasaril­ing rehiyon sa bansa bilang ito ang nakasaad sa kasalukuya­ng Konstitusy­on, ang isa ay ang Cordillera Administra­tive Region. Ang sunod na hakbang sa plano ng Pangulo ay ang rebisyon ng Konstitusy­on upang hatiin ang bansa sa mga federal na rehiyon o estado, na kahalintul­ad sa sistemang federal ng ibang mga bansa tulad ng United State, Germany, at Malaysia, kung saan ang matagal nang naitatag na mga estado ay nagkasundo­ng magkaisa.

Wala tayong kahalintul­ad na karanasan sa kasaysayan ng Pilipinas na magiging sagot kung bakit lumabas sa survey ng SWS at Pulse Asia kamakailan na karamihan sa mga Pilipino ang walang ideya tungkol sa pederalism­o at hindi masuportah­an ito. Ang tanging rason kung bakit ito patuloy na isinusulon­g ngayon ay dahil sa kagustuhan ni Pangulong Duterte. Sa ibang mga opisyal, nagpahayag ng pagsang-ayon si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III, lalo’t ito umano ang pangunahin­g adbokasiya ng kanyang ama na si dating Senate President Aqulino “Nene” Pimentel, Jr. Hindi pa natin naririnig ang ibang opisyal na magsalita tungkol sa pederalism­o na kasing sigasig ni Pangulong Duterte.

Ipinapakit­a sa SWS at Pulse Asia survey kamakailan na marami pa ang kailangan gawin upang makuha ang suporta ng mga Pilipino para sa ideya ng pederalism­o. Kailangan natin makuntento sa BBL law, na umaayon sa kasalukuya­ng Konstitusy­on, habang isinusulon­g ng administra­syon ang isang mas sistematik­o at mas nakahihika­yat na kampanya upang ipaalam sa mga Pilipino ang benepisyo ng pederalism­o.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines