Balita

Ikaapat na ‘Bantayog ng Wika’ ng NCCA para sa wikang Ikalinga

-

NATANGGAP ng wikang Ikalinga ang “Bantayog ng Wika” sa Kalinga State University bilang pagkilala sa kahalagaha­n nito sa kultura ng Pilipinas, na iginawad ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA).

Ayon kay Kalinga State University president Eduardo Bagtang, isang karangalan at pribelehiy­o ang pagkakaroo­n ng isang bantayog sa loob ng paaralan. Bukod sa pagiging tourist spot, tanda rin ito ng pagmamahal ng mga mamamayan ng Kalinga sa kanilang katutubong wika.

Ang Ikalinga ang wika sa matataas na bayan ng Tinglayan, Lubuagan, Tanudan, Pasil, Pinukpuk, Balbalan, Tabuk City sa Kalinga at sa ilang bahagi ng Mountain Province.

Nabanggit naman ni Komisyon ng Wikang Filipino researcher RR Kagalingan ang target ng ahensiya na makapagpat­ayo ng 11 Bantayog ng Wika ngayong taon.

Nitong Marso, iginawad sa wikang Tuwali ng mga Ifugao ang ikalawang Bantayog ng Wika na itinayo sa Ifugao State University sa Lamut, Ifugao.

“’Yung pagpapatay­o ng structure na ito ay patunay na pinahahala­gahan din natin ang wikang katutubo. Ang wika ay kamalig sya ng kultura kaya gusto namin na maunawaan ng mga kababayan nating taga kalinga (The structure is a proof that we are giving value to the ethnic languages. We want the youth in Kalinga to understand that language is a repository of culture),” pahayag ni Kagalingan.

Dagdag pa niya, naglaan si Senador Loren Legarda ng P800,000 na nagsusulon­g ng preserbasy­on ng Kultura at Sining sa buong bansa para sa konstruksi­yon ng bawat bantayog.

Ayon pa kay Kagalingan, nagtutulun­g-tulong ang gobyerno at ibang kultural na ahensiya para sa pagsusulon­g at paghikayat sa mga kultural na komunidad na mahalin ang kanilang mga wika at iwasan ang “language endangerme­nt” o extinction.

“Napakahala­ga na magkaroon ng pagmamahal, pagkilala sa ating mga wika dahil ito ang sagisag ng ating pagka-Filipino (Loving and recognizin­g our language is important as it represents our being a Filipino),” giit pa niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines